Kikay at Mikay, mayroon nang pinagbibidahang pelikula

ADVERTISING

Kikay at Mikay, mayroon nang pinagbibidahang pelikula

Kikay & Mikay
Kikay & Mikay

Tuluy-tuloy na nga ang pagsikat ng very talented child stars na sina Kikay at Mikay sa dami ng proyektong ginagawa ng mga ito.
Habang tuluy-tuloy na ang shooting ng kanilang kauna-unahang pelikulang kanilang pagbibidahan, ang “Field Trip”, mula sa direksiyon ni Mike Magat.
Bukod nga raw sa excitement ng dalawang bibang bata sa kanilang pelikula, nagkakaroon pa raw sila ng pagkakataong magkaroon ng mga bagong kaibigan na kasama sa nasabing pelikula.
Very timely nga raw ang movie na ginagawa nina Kikay at Mikay dahil pasukan na naman at meron ding mga field trips ang mga estudyante.
Marami nga raw matututunang maganda at kapupulutan ng aral sa pelikulang ito na ginawa para sa pamilyang Pilipino.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING