Kiel Alo, dumating din ang inaasam na break

ADVERTISING

Kiel Alo, dumating din ang inaasam na break

Kiel Alo
Kiel Alo

Guwapo. Talented. ‘Yan si Kiel Alo, ang bagong alagang singer ng kaibigang Jobert Sucaldito.

Description ni Jobert sa kanya, “He is a crooner with a heart.”

“He’s such a pleasant performer to watch. His looks thrill his audience. He has his own style!”

Sabi ng kanyang manager.

ADVERTISING

Bukod kay Michael Pangilinan who is making a name in the music industry (by the way ay ilo-launch ang 2nd album ni Michael from Star Music bukas, Sunday, August 21, sa SM San Mateo) at kay Prima Diva Billy who is back in Dubai again to continue her stint sa isang five star hotel, additional “anak-anakan” si Kiel sa mga alaga ni Jobert who knows how to make a real singer and reach his goal.

As part of Kiel’s career plan, bukas, Sunday, August 21, ilo-launch siya ng Front Desk Entertainment Production sa isang concert sa Music Box (located at the corner of Timog Ave. and Quezon Ave.)

To give support kay Kiel ay sina Marion Aunor, Ezekiel, Rochelle Carsi Cruz, Cherie Pie of the Pink Mannequins, and Michael Pangilinan under the musical direction of Ivan Lee Espinosa.

Happy ang baguhan sa magandang break na ibinigay sa kanya.

“It has always been my dream to perform in front of a fun audience. Hindi ko akalaing darating pa itong career sa akin – itong singing thing ko, kasi nga matagal na akong kumakanta and I got all these promises left and right, pero wala namang nangyari. At the moment, naramdaman ko nang my time has come – pinagkatiwalaan ako agad ng manager kong si Nanay Jobert Sucaldito – kaya ang title ng show namin ay “It’s My Turn”. Kasi nga, dumating na yata ang time ko,” natatawang pahayag niya.

“Sana tuluy-tuloy na, kasi this is the one thing that I’ve always wanted to do… sing, sing, and sing,” sabi ni Kiel.

Excited siya sa magiging show niya bukas ng gabi. Naghanda siya ng maraming kanta kahit kinakabahan siya sa magiging kaganapan sa show.

For his launch tomorrow sa “It’s My Turn” concert, magpapasiklab si Kiel with his own brand & style of performance.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING