Kiefer Ravena, nag-sorry sa pamilya at sa girlfriend na si Alyssa Valdez

NAG-SORRY na ang basketbolista na si Keifer Ravena sa kanyang pamilya, lalo na sa girlfriend niyang si Alyssa Valdez (isang sikat na volleyball player) sa ginawa niyang “magic” with a female stranger online (hindi po bakla ang ka-online chat niya).

Alyssa Valdez & Kiefer Ravena

Sabi ng binata sa isang panayam recently, “Ang tagal ko na ring gustong magsabi. Ayaw ko lang mag-interfere kasi may basketball pa with Alab (Pilipinas).”

Dagdag ng baketbolista, “Gusto kong mag-apologize, very sorry sa pag-entertain ko sa mga ganito na nauwi sa ganitong pangyayari. I want to apologize sa parents ko na hindi nagkulang sa pangaral sa akin.”

Higit sa lahat, si Kiefer ay humihingi ng dispensa sa kanyang girlfriend.

“Nagso-sorry ako kay Alyssa I have no excuse for what happened. Sa sobrang bait mo (Alyssa), ‘di ka dapat nalagay sa ganitong situation,” pagsisisi ng binata.

Nahuli na rin ‘yong lalaking nag-e-extort sa kanya kapalit ng hindi na pagkalat sa social media ng mga “fab” na litrato ng basketbolista.

I just wonder kung nasipat ni Alyssa ang photos na ‘yun ng boyfie?

Ang mga beks na hindi babad sa social media, nagpi-PM kung saan daw makikita ‘yung photos na ‘yun. Sa katunayan, may isang beks na mahilig at ilusyon si Keifer ang mayroong offer na P50K just to have a copy of those photos.

Previous articleKathryn Bernardo at Daniel Padilla, pinasok na rin ang pagnenegosyo
Next articleArnell Ignacio at Ai Ai delas Alas, bumuo ng grupong tutulong sa mga nangangailangan

No posts to display