Khalil Ramos, may stalker na reporter?!

ADVERTISING

Khalil Ramos, may stalker na reporter?!

Khalil Ramos, may stalker na reporter?!HOW TRUE na merong stalker si Khalil Ramos?

Ewan kung aware ang isang REPORTER-REPORTERAN na si Julian Mauricio na natsitsismis siyang stalker ni Khalil.

Ang chismis, galit na galit na raw itong si Khalil sa pagsunud-sunod sa kanya ni Julian. Palagi raw itong nakabuntot sa kanya at inaalam ang lahat ng kanyang activities. True ba ito, Julian?

Ang nakaloloka pa raw, gusto na raw suntukin ng young star ang bagets na reporter. Kasi naman, nabalitaan daw niyang ipinagkakalat daw nitong si Julian na malapit nang maging sila ng binata. Could this be true, Julian?

ADVERTISING

At ano naman kaya ang ginagawa ng madir ni Julian na si Tinna Bonifacio? Hindi ba niya pinagsasabihan ang kanyang anak?

Napansin kasi namin, parang feeling close itong mag-ina sa mga artista. Meron pa ngang nakapagsabi sa amin na one time, Tinna was acting as a mentor of sort sa mga artista ng Dos. She was overheard to have told one Kapamilya actor on how to behave during showbiz events. Kakaloka, ‘di ba?

Writer ang mag-ina at ang hilig daw nilang kumuha ng cellphone numbers ng mga artista. Madalas daw nilang ka-text ang mga ito at pina-follow sa Twitter.

Khalil Ramos, may stalker na reporter?!Being a veteran writer, dapat alam ni Tinna ang scope ng kanyang trabaho, na dapat ay detached ang isang manunulat sa celebrities. Iyon ang dapat niyang ituro sa kanyang anak.

Hindi rin yata aware si Tinna na hindi na sila welcome sa mga pa-presscon ng Dos. Nagtataka raw kasi ang mag-ina kung bakit hindi na sila ini-invite sa events ng Dos.

Hellllooooo? Sukang-suka na ang mga executive producer ng Dos sa inyo, ‘no! Kapag kasi nalaman ninyong me celebrity na close sa inyo ang nagte-taping o guest sa isang show ay may-I-sugod daw kayo.

Kaya Tinna, ‘wag ka nang magtaka kung bakit hindi kayo naiimbitahan ni Julian sa mga media event ng Dos.

 

ONE WEBSITE operator was so affected by an item in which Marian Something placed second sa Most Hated List ng isang site. Mahaba ang aria ng hitad at talagang meron pang ni-lift na statement sa isang writer.

To our understanding, she was driving home a point – na ang mga bashers daw ni Marianita are actually her slaves because all their waking hours are spent on the actress. We beg to DISAGRESS.

Ang sabihin mo, slaves ang mga nagtatanggol kay Marianita, mga BAYARAN, mga PALAMON, mga NAMAMANTIKAAN ANG NGUSO at takot na hindi maimbitahan sa mga presscon ni Marianing.

They are the ones spending their waking hours kung paano ipagtatanggol si Marian for fear na mawalan sila ng PAYOLA.

Some fans can really be called IDIOTS. Ang akala mo kung sinong malilinis, eh, kaya lang naman super dikit kay Marianita, eh, dahil meron silang napapala sa dyowa ni Dingdong. Tigilan ako, ‘no!

 

DOMINIC REA reacted in one item that came out last Wednesday about the pangungutang of one Eric John Something ng ten kiyaw sa kanya.

Probably wanting to save his ASS, Dominic called us up and ipinagdiinan sa amin na hindi true ang nasulat naming nangutang sa kanya si Eric John. Siya pa nga raw ang may utang kay Eric. Gano’n?

Me sarili kaming DISCERNMENT and we know the TRUTH.

Apparently, na-rattle si Eric John sa aming nasulat kaya super imbiyerna raw ito kay Dominic after our item came out.

Somebody asked us kung hindi raw ba kami takot kay Eric John Something. Bakit? Kanya na ang mga pa-presscon niya, isaksak niya sa baga niya.

May nakapagsabi sa aming meron daw utang itong si Eric John sa manunulat na si Emmy Abuan. True ba ito, EJ?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING