Kevin Poblacion, may puwang na showbiz sa pamamagitan ng manager na si Boy Palma

ADVERTISING

Kevin Poblacion, may puwang na showbiz sa pamamagitan ng manager na si Boy Palma

Kevin-Poblacion-Boy-PalmaWILL SOMEBODY please open the showbiz door for Kevin Poblacion?

ADVERTISING

Hindi pa man ay nabuksan na ang pintuan ng showbiz para sa Fil-Canadian aspirant na ito managed by Boy Palma. Literally, on Kuya Boy’s palm rests kung anong magandang kinabukasan ang nakangiti para sa beinte anyos na newbie na ito.

Kuya Boy, of course, is the proverbial wind beneath the career wings ng nag-iisang Superstar na si Nora Aunor. Kung nakuhang bigyang siglang muli ni Kuya Boy ang karir ni Ate Guy, who knows, he may as well swing the door open para kilalanin sa showbiz si Kevin.

Born and raised in Winnipeg, Manitoba, nagtapos ng kursong Tourism si Kevin, born to a Caviteño dad and Ilongga mom. While his parents would be proud seeing him work as flight attendant, ipagmamalaki rin daw ng mga ito kung sakaling maagaw siya ng showbiz.

ADVERTISING

Bilang paghahanda sa larangang pinasok niya, Kevin has just wrapped up his months-long introductory acting workshop with ABS-CBN. Nakatawid na rin siya sa advance class, further equipping himself with the basic rudiments in acting.

Hindi alien grounds kay Kevin ang nasabing network as he appeared in its youth-oriented program. But realizing that he still has a lot to learn ay merong nagtuturo sa kanya to be more proficient in oral Tagalog.

At 20, payo ng mga nag-interbyung press sa kanya is to try doing indie films, the same point of entry, ‘ika nga, ng ilang kinikilala nang aktor tulad ni Coco Martin.

Willing ba si Kevin to go daring tulad ng pagpapakita ng kanyang “behind”? “Why not?”

Puwet… este, puwes… go, go, go, Kevin, this might be your chance to hit it big! ‘Di ba, Ricky Calderon at Eddie Littlefield?

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

ADVERTISING