Kevin Poblacion, handa na sa hamon ng showbiz

ADVERTISING

Kevin Poblacion, handa na sa hamon ng showbiz

Kevin-PoblacionISANG BAGUHANG mukha ang sumusubok ng kanyang suwerte sa daigdig ng showbiz – si Kevin Poblacion, na ipinanganak sa Canada, and mula noon ay pangarap na niyang pasukin ang local showbiz. Sabi nga nila, kung may talent naman, lahat ay may espasyo sa mundong ito.

Ayaw nang pakawalan ni Kevin ang pagkakataon nang ma-meet niya ang manager niyang si Boy Palma, at manager din ng Superstar na si Nora Aunor.

Iniwan muna ni Kevin ang kanyang trabaho bilang cashier sa A&W Fastfood sa Canada for this dream of his, at pansamantala rin niyang isinantabi ang offer sa kanya na magtrabaho bilang steward sa isang airline company sa Canada.

The 19-year-old newbie na nagtapos ng Tourism course sa Canada ay under acting workshop na sa Star Magic, with his mentor Direk Rhyan Carlos. Maliban dito ay ang pagkuha niya ng singing/ vocie lessons upang mahasa naman ang kanyang talent in singing.

ADVERTISING

Aware si Kevin sa kompetisyon ng mga baguhang mukha sa showbiz, pero ito nga raw ang nagsisilbing malaking challenge sa kanya na paghandaan nang husto ang sarili, from these workshops, upang mapansin. Although alam niyang marami siyang makakalaban sa mga newbies sa showbiz.

“I’m here in the Philippines to realize a dream, a long time dream. It’s not all the time that we get the chance to start up and meet nice people like Tito Boy, so I’m set to take the challenge,” say ni Kevin na Pinoy na Pinoy ang aura.

Hindi pa matatas sa Tagalog si Kevin, pero willing to wait and learn ang newcomer. Aniya, he’s enjoying so much sa workshop niya sa ABS-CBN at marami siyang natutunan along the way, at may nagiging friends rin. He’s been doing the rounds for VTRs para naman sa mga TV commercial at print ads.

Kabilang sa mga ina-idolize niya ay sina Piolo Pascual at Coco Martin, at sa ladies naman ay sina Marian Rivera and Kim Chiu. Dream niya ring makasama o makatrabaho ang mga ito sa mga susunod na panahon.

Mellow Thoughts
by Mell Navarro

ADVERTISING