Ken Chan may sweet message para kay Rita Daniela

SA REBELASYON ng Kapuso actress/singer na si Rita Daniela na siya ay buntis, may ilang fans ang nag-assume na ang ama ng kanyang dinadala ay ang ka-loveteam nito na si Ken Chan. Hindi ito nakakapagtataka dahil hindi open si Rita pagdating sa kanyang private life at madalas naman nilang sabihin ni Ken na ‘special’ ang kanilang pagkakaibigan, pero hindi nangangahulugan na ito ay magiging ‘ka-ibigan’.

Ken Chan may sweet message para kay Rita Daniela
Rita Daniela and Ken Chan

Dahil dito ay muling nabuhay ang ‘Boyet-Aubrey’ memes, ang pangalan ng mga karakter nina Ken at Rita sa kanilang breakthrough show na ‘My Special Tatay’. Sa kuwento kasi ay nabuntis ni Boyet si Aubrey at kahit na hindi ideal ang umpisa ng kanilang relasyon sa istorya ay kinapitan ng mga viewers ang development nito. Dito nag-umpisang makilala lalo ang dalawang Kapuso stars.

Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ay nagpahayag ng kanyang sweet message si Ken para sa kanyang onscreen partner.

“Miracles are worth their weight in gold, if not many times more. I’m here if you need anything at all, as a friend, as someone you can always rely on. I pray to God for the utmost positivity, protection, support and love to surround you and your baby.” post ni Ken sa kanyang social media accounts.

Ken Chan may sweet message para kay Rita Daniela
Ken Chan and Rita Daniela

“As a friend, as someone who cares, I’ll always be here for you no matter what. You’ve always been incredible and strong, and certainly, You. You’ve got this, and without a doubt, you will only continue on to be that much more incredible, always.

I am so proud of you @missritadaniel,” patuloy na caption pa ni Ken.

Kahit na hindi si Ken ang real-life boyfriend ni Rita, masasabi natin na nahanap na nila ang ‘forever loveteam’ nila sa isa’t isa. Kahit na matagal-tagal pa ang hihintayin ng RitKen fans ay siguradong aabangan na nila ang reunion project ng dalawa. But before that, we wish Rita and her non-showbiz boyfriend the best! We can’t wait to see the little one!

 

Previous articleRita Daniela is pregnant!
Next articleVLOG WATCH: Pasilip ni Rob Guinto sa Virgin Forest (OMG!)