Ken Chan, ‘di napigilang maiyak sa presscon ng teleserye

ADVERTISING

Ken Chan, ‘di napigilang maiyak sa presscon ng teleserye

Ken-ChanNAKATUTUWANG ISIPIN na sa showbiz, may mga umuuwing talunan. Pero may ilan pa rin ang nagwawagi sa kabila ng hirap ng proseso na makilala at magkapangalan. Ang alam lang kasi ng mga tagalabas (fans at mga miron), puro glamour lang at kasiyahan ang showbiz. Hindi nila alam na mahirap din ang tinatahak na landas ng isang gustong mag-artista at nangangarap na makilala at magkapangalan.

ADVERTISING

Kaya nga tuwang-tuwa si Kuya Germs (Moreno) sa launch ng bagong GMA Afteroon Prime show na Destiny Rose na maglulunsad sa alaga niyang si Ken Chan simula ngayong araw, Lunes, September 14, dahil nakita niya ang pagsusumikap ng alaga niya para makuha ang project na ito.

Alaga ni Kuya Germs si Ken. Regular na lumalabas sa kanyang midnight show na Walang Tulungan With The Mastewr Showman tuwing Sabado, na sa kapiranggot na talent fee, matiyaga si Ken na nagsusumikap na makilala at mapansin ang kanyang talent.

Kaya nga sa presscon, si Kuya Germs, napaiyak dahil sa pagbabalik-alaala kung gaano kahirap ang pinagdaanan ni Ken sa showbiz. Maging ang binata, napaiyak din sa harap ng press dahil hindi niya inaasahan na darating sa kanya ang malaking break na ito.

ADVERTISING

Nag-audition siya sa naturang role as Joey aka Destiny Rose na kuwento ng isang transgender. Pagmamalaki ni Ken sa amin, “I auditioned for the role. Thank you GMA. Thank you Artists Center. Thank you God,” pagpapasalamat ng binata sa malaking break niyang ito.

Ang kasamahan niya sa serye na si Jeric Gonzalez who plays Vince na first love ni Destiny Rose noong “nagdadalaga” siya, nag-audition din pala sa lead role ng bagong “LGBT” show ng Kapuso Network.

Nakatutuwang isipin na ang GMA, promoter at may advocacy para lalong maintindihan ng publiko ang LGBT Community. Sinimulan ng My Husband’s Lover (gay love) na sinundan ng Dading (a gay dad’s love to his “daughter”), at kamakailan lang, ang The Richman’s Daughter (about lesbian love), at itong Destiny Rose that deals about transgender love.

Saludo ako sa GMA na nagtataguyod sa pagpapalaganap at pag-e-educate sa publiko ng tungkol sa buhay at pag-ibig ng LGBT.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING