Ken Chan at Barbie Forteza, kakaiba ang closeness sa ‘This Time I’ll Be Sweeter’

ADVERTISING

Ken Chan at Barbie Forteza, kakaiba ang closeness sa 'This Time I'll Be Sweeter'

Ken Chan at Barbie Forteza, kakaiba ang closeness sa 'This Time I'll Be Sweeter'
Barbie Forteza and Ken Chan

SA TELEBISYON, malakas ang tambalan nila.

Kaht ipareha si girl sa iba, sila pa rin ang suporta ng mga fans. Ang dalawa pa rin ang gusto ng publiko.

Ang tinutukoy namin ay ang tambalang Barbie Forteza at Ken Chan na mas kilala sa tawag na “KENBIE” na nagsimula pa lang sa Tween Hearts na isang pang-bagets na serye sa GMA Kapuso Network.

Dahil sa nakitaan ang loveteam ng dalawa ng potential ng istasyon, pinush ng GMA ang dalawa.

ADVERTISING

Recently sa show nila kung saan kasama si Jak Roberto and two other young actors ng Kapuso Network (sorry, I don’t know their names basta isang Indian looking hunk at isang tisoy), si Ken pa rin ang nagwagi sa kanyang panliligaw kay Barbie sa serye na tunay na sinoportahan ng mga fans ng dalawa.

Kaya ng matapos ang seryeng Meant To Be, sina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde ng Regal Films ay hindi na nagdalawang isip na gawin ang “This Time I’ll Be Sweeter” sa direksyon ni Joel Lamangan na unang pelikula ng tambalan ng dalawa.

Sa pictorial para sa publicity photos ng romance movie nina KenBie last Wednesday afternoon na naimbitahan at saksi kami sa closeness ng dalawa.

Friends lang daw sila sabi ni Ken. Ganun din ang say ni Barbie nang mainterview namin that afternoon. Buddy-buddy ika nga.

On screen, sweet sila. Iisipin mo na silang dalawa or kung hindi man, Ken is courting Barbie to win her heart.     

Sa movie nila na ipapalabas on November 1 bongga daw ang kissing scenes ng KENBIE.

Tinanong namin si Ken kung ilang beses sila nag-kiss ng kapartner niya, ngumiti lang ang binata. “Basta po. Madami!”at humalakhak lang ang binata.

 

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING