Ken Chan at Rita Daniela, di makalimutan ang encounter nila ni Coco Martin sa airport

ADVERTISING
Leo Bukas

NAIKUWENTO nina Rita Daniela at Ken Chan ang isang insidenteng hindi nila malilimutan sa buong buhay nila nung makaharap nila ang Kapamilya actor at bida ng Ang Probinsiyano na si Coco Martin.

Ayon sa magka-love team, na-meet nila ang aktor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at si Coco pa raw ang unang unang lumapit sa kanila.

Ken Chan at Rita Daniela, di makalimutan  ang encounter nila ni Coco Martin sa airport
Rita Daniela and Ken Chan

“Nakakatuwa kasi si Sir Coco, siya pa talaga ang unang lumapit sa amin, in all fairness,” masayang kwento ni Rita.

Sey naman ni Ken, nang makita raw nila si Coco, nagtatanungan pa sila ni Rita kung lalapitan ba nila ito dahil nahihiya raw sila.

Ani Ken,  “Nahihiya kaming lapitan si Kuya Coco kasi baka pagod siya, may taping.”

ADVERTISING

Laking gulat daw nila nung sabihin ni Coco na, “Uy, Ken, pasensiya na kayo, hindi ko kayo agad nakita. Tapos siya pa mismo ang nagsabi sa amin na idol niya kami.”

Hindi rin daw sila nagkaroon ng problema nang mag-request silang magpa-picture kay Coco.

Sabi ni Rita, “Sir, pa-picture po kami.” Ang sagot naman daw ng aktor, “Hindi, ako nga dapat magpa-picture sa inyo kasi idol ko kayo, eh.”

Ken Chan at Rita Daniela, di makalimutan  ang encounter nila ni Coco Martin sa airport
Coco Martin

Pagkatapos ng kanilang pagkikita ay nauna pa raw mag-post ang team ni Coco ng kanilang larawang kuha sa airport.

“Nakaka-overwhelm kasi ‘yung team po niya ‘yung nag-post pa ng picture namin together. Sila talaga ang nauna. So, nakaka-overwhelm po ‘yung ganu’n,” reaksyon  ni Rita.

Samantala, sina Rita at Ken ay babong ambassadors ng Beautederm na ipinakilala sa entertainment media kamakailan lang ni Rhea Tan, ang CEO at president ng kompanya.

 

ADVERTISING