Kelvin Miranda sunud-sunod ang natatanggap na pagkilala bilang aktor

Leo Bukas

MALAYO NA ang narating ng The Lost Recipe star na si Kelvin Miranda. Mula sa pagta-talent  niya noon na ginagawa niyang  raket para kumita ng pera kahit papaano,  ngayon ay humahakot na siya ng awards.

Ilan sa mga awards niya ay Best Young Actor award sa 7th Urduja Heritage Film Awards para sa role niya sa Netflix film na Dead Kids. Nanalo rin siyang Best Actor para sa nasabing pelikula from the same award giving body.

Kelvin Miranda sunud-sunod ang natatanggap na pagkilala bilang aktor
Kelvin Miranda

Recently, pinarangalan din siya ng 4th Asia Pacific Luminare Awards bilang “Philippines’ Fast Emerging Actor of the Millenium.”

“Hindi ko tinitingnan na sobrang mahalaga ang recognition, pero na-a- appreciate ko ‘yun. Sobrang saya ko, pero reaulta lang naman ang recognition ng pagtatanim mo nang nakayuko. Kumbaga, pagpupursigi, pagsusumikap sa bagay na gusto mong gawin,” ani Kelvin sa interview sa kanya ng GMANetwork. com.

Ginagampanan ni Kelvin sa The Lost Recipe ang karakter ni Chef Harvey Napoleon sa trending romance-fantasy series ng GTV na The Lost Recipe. Sa lahat ng pinagdaanan niya, ang mapapayo ni Kelvin sa mga nagwi-wish ng ganitong career ay sundin ang nilalaman ng puso,  “follow your heart!”