Kelvin Miranda at Mikee Quintos balik-tambalan sa ‘Promises to Keep’ ng Regal Studio Presents

MASAYA ang mga tagahanga nina Mikee Quintos at Kelvin Miranda o MiKel dahil sa unang anibersaryo ng kanilang tambalan na nag-umpisa sa GTV series na ‘The Lost Recipe’ ay nabigyan ng katuparan ang kanilang hiling na magsama muli sa isang proyekto ang Kapuso loveteam.

Kelvin Miranda at Mikee Quintos balik-tambalan sa 'Promises to Keep' ng Regal Studio Presents
Kelvin Miranda and Mikee Quintos

Ang MiKel ang napili ng Regal Entertainment Inc. at GMA na magbida sa puppy love story na ‘Promises to Keep‘ na mapapanood ngayong Sunday ng hapon, 4:35 PM sa GMA.

Maituturing na classic pa-kilig ang mga puppy love stories at hindi na naiiba d’yan ang ‘Promises to Keep’. Kuwento ito ng childhood friends na sina Eloy (Kelvin Miranda) at Jenny (Mikee Quintos) na may sumpaan noong sila’y mga bata pa. Naghiwalay ng landas ang dalawa nang manirahan sa ibang bansa si Jenny, at naiwan sa probinsya ang anak ng caretaker na si Eloy. Sa kanyang pagbabalik, maaalala pa ba ang mga pangako nila sa isa’t isa? Ano nga ba ito?

Kasama rin sa ‘Promises to Keep’ ang dating ka-loveteam ni Kelvin Miranda sa ‘One Hugot Away’ at ‘D Ninangs’ na si Angel Guardian. Kasama rin ang baguhang si Tyrone Tan.

Siguro naman ay masaya na ang fans nina Mikee at Kelvin na nagbalik-tambalan na ang dalawa sa special project na ito, ha? Maliban sa Regal Studio Presents ay nag-guest din si Kelvin sa Pepito Manaloto: Ang Unang Kuwento. Ibig bang sabihin nito ay balik-Mikee na si Kelvin pagkatapos ng matagumpay na tambalan nila ni Beauty Gonzalez sa Loving Miss Bridgette? Hmmmm…