Kelley Day itinanggi na siya ay buntis at third party sa diumano’y hiwalayang Tom Rodriguez-Carla Abellana

UMALMA at itinanggi ng Kapuso actress/beauty queen na si Kelley Day na may kinalaman siya sa diumano’y hiwalayan ng newly-married couple na sina Tom Rodriguez at Carla Abellana.

Nadawit ang pangalan ng dalaga nang lumabas ang blind item na isang aktres diumano ang third party sa pinag-uusapang hiwalayan na buntis din daw.

Kelley Day itinanggi na siya ay buntis at third party sa diumano'y hiwalayang Tom Rodriguez-Carla Abellana
Kelley Day

Sa pamamagitan ng Instagram stories noong January 27 ay klinaro agad ng dalaga ang “certain rumor/blind item story that seems to have been circulating.”

“So before things get too out of hand, I’d like to clarify that i have no knowledge of/ involvement with the controversy,” Kelley said.

“I don’t know how or why my name has become linked (I’m surprised too), but what I do know is these accusations about me are false,” pagtanggi nito.

Klinaro din niya na hindi siya buntis o nabuntis at wala raw siyang “anything close to romantic involvement [or] interest with the person,” tulad ng sinasaad ng mga tsismis.

Ayon din sa kanya, funeral ng isang kamag-anak ang dahilan kung bakit ito nasa United Kingdom. Ito rin ang pagkakataon niya para makasama ang kanyang pamilya na naka-base doon.

Kelley Day itinanggi na siya ay buntis at third party sa diumano'y hiwalayang Tom Rodriguez-Carla Abellana
Tom Rodriguez and Carla Abellana (TomCar) | Photo grabbed from @akosimangtomas IG account

“I have, and always will have the utmost respect for the Couple. They have always treated me with kindness. I hope this clears up the false rumors involving me,” she added.

“So much fake news out there nowadays. I hope we can take more caution with what we choose to believe online.”

Hindi man niya direktang binabanggit ang pangalan nina Tom at Carla ay understood na ng mga maritess na ang dalawa ang tinutukoy niya.

Nagkasama sina Tom at Kelley sa katatapos lang ng Kapuso primetime series na ‘The World Between Us’. Sa karakter ni Alden Richards na-link ang karakter ni Kelley at hindi lang ang dalaga ang babaeng miyembro ng proyekto.

 

 

Previous articleAndi Eigenmann ibinahagi ang kanyang weight loss journey
Next articleRabiya Mateo makikipagbakbakan na sa Agimat ng Aguila Season 2