KEANNA REEVES, PAKALAT-KALAT NA LANG SA CEBU?!

ADVERTISING

KEANNA REEVES, PAKALAT-KALAT NA LANG SA CEBU?!OLACHIKKA! THANK GOD, it’s Friday! Of course, back in Manila na naman ang inyong Tita Swarding. Successful ang lahat ng ginawa ko sa Cebu. Super accommodating silang lahat doon sa akin. Hindi ko na sila iisa-isahin, basta maraming salamat sa inyong lahat!

Siyempre, hindi talaga ako magpapahuli sa mga chikka kung sino ang mga sikat na artista sa Cebu at ang pinag-uusapan nila doon na young actress. Sinech? Si Erich Gonzales! Na nililigawan nga raw ni Enchong Dee?

ADVERTISING

Ang chikka ng mga taga-Cebu, every weekends daw ay umuuwi roon si Erich dahil may boyfriend na Cebuano ang young actress! Sino naman kaya ‘yon? ‘Di ba ang balita, ang dyowa ngayon n Erich ay itong si Enrique Gil? Kamag-anak ba siya ni Eddie Gil? Hahaha!

How true na itong si Erich pa mismo ang naghahabol sa baguhang aktor? Ano ba ‘yan? After ng ‘ingrata’ issue, ‘eto namang siya pa ang naghahabol sa lalakI?!

Heto pa ang nakakaloka, may balak na raw magpakasal ang dalawa! At si Erich ang may gusto nu’n, huh! Para nga naman hindi na raw makahiwalay pa sa kanya itong si Enrique!

ADVERTISING

Bagay na bagay sa kanya ang role niya rati sa Katorse, ‘di ba? Kaya kayong mga fans, kilalanin n’yo muna ang iniidolo n’yo. At baka hindi na magandang impluwensiya sila sa inyo, ‘no! Puro press release naman ang mga ‘yan! Hahaha!

HETO PA. PAKALAT-KALAT na lang daw sa Cebu itong si Keanna Reeves. Hindi na talaga sumikat ang hitad, kahit na nanalo pa siya sa isang reality show. Ang nakakaloka pa, mismong mga kamag-anak daw nitong si Keanna ay ayaw siyang patuluyin o patulugin man lang sa mga bahay ng mga ito sa Cebu. In short, hindi siya welcome! Bakit? Masama raw talaga ang ugali ng aging sexy star!

In fairness sa inyong Tita Swarding, nu’ng nandoon ako sa Cebu, ang da-ming nag-offer ng aking tutuluyan. Naging mabait naman kasi ako sa kanila.

Kaya kung ako sa ‘yo, Keanna, magbago ka na! Tumatanda ka na, ‘no!

UGALIIN N’YONG MAKINIG sa DWSS 1494 khz, Mon-Fri, 11:30 AM – 12:00 PM, kasama ko ang anak kong si Lady Camille. Tuwing Linggo naman sa DZRH 666 khz, 2:30-3:30 ng hapon.

KEANNA REEVES, PAKALAT-KALAT NA LANG SA CEBU?!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING