Keanna Reeves, naghihirap na to death?!

ADVERTISING

Keanna Reeves, naghihirap na to death?!

Keanna Reeves, naghihirap na to death?!KAMAKAILAN AY dumating na ng bansa si Nora Aunor matapos na ipakunsulta ang kanyang problema sa boses.
Walang naganap na operasyon na tulad sa inaasahan ng lahat at sa halip ay simpleng konsultasyon lang ang nangyari. Pero ipinangako raw ng surgery specialist na maibabalik ang magandang tinig ng aktres sa sandaling isagawa na ang operasyon sa pagbabalik ng Superstar sa Boston.
Pero teka, how true na “drama” lang ang pagkawala ng boses ni Nora? May nagtsismis kasi sa amin na kaya raw hindi nagpaopera ang aktres sa Boston ay alam nito sa sariling taglay pa rin ang magandang tinig, na sa kung anong dahilan ay si Mama Guy lang ang nakakaalam. Tsuk!

NAGHIHIRAP NA raw ngayon to death si Keanna Reeves. Ang balita, bukod sa hindi na raw nito nasusuportahan ang mga anak sa Cebu ay hindi na rin ito nabibigyan ng raket, na tulad sa nangyari kamakailan.
May nagkuwento sa amin. Ito raw si Keanna ay nag-audition para sa programang Temptation ng TV5, pero hindi raw natanggap ang aktres kaya lulugu-lugo itong umuwi ng bahay.
Sa totoo lang, aminin man o hindi ni Keanna ay nalaos siya nang dahil na rin sa kanyang kapabayaan. Hindi niya binigyang-halaga ang magagandang break na dumating sa kanyang buhay.
Nanalo siya sa PBB noon, hinawakan siya ni Boy Abunda. Kaliwa’t kanan ang kanyang naging offer. Nagkaroon siya ng sariling pelikula, pero wala na nga siyang talent ay nagawa pa nitong magmaldita.

Laging late sa taping, kapag nasa location ay nagpi-primadonna. Kaya ang ending ay binitiwan siya ni Kuya Boy at napunta naman siya sa TV5.
Sa TV5 ay nabigyan siya ng mga show. Pero talagang nasa ugali na yata ni Keanna ang maging pabaya sa trabaho kaya ang ending ay natsugi rin siya sa mga programang kanyang kinabilangan. Na ang ending ngayon, dahil hindi naman siya ganu’n kasikat noon sa showbiz at hindi naman siya kahusayan sa pag-arte, hayan hindi na siya pinagkakatiwalaan.
Mas naging purita mirasol ngayon si Keanna kumpara noong mga panahong escort girl pa siya. Tsuk!

KAHIT SABIHIN pang pinagdududahan ang gender ni Piolo Pascual ay nanatiling pinagnanasaan pa rin siya ng maraming matrona, bading at ng iba pang mga girls.
Iba kasi ang karisma ni Piolo. Iba kasi ‘yung dating niya kahit sabihin pang inilampaso ni KC Concepcion ang kanyang pagkalalaki nu’ng sila ay maghiwalay.
Bukod sa hindi kasi madaldal si Piolo, hindi ito ‘yung klase ng tao na nananakit ng damdamin ng kanyang kapwa. At marahil isa iyon sa mga dahilan kung bakit Papa Yummy pa rin ang dating niya sa publiko kahit sabihin pang may naamoy silang “malansa” sa pagkatao ng binata.
“Sana nga si Rustom Padilla, nag-ala Piolo Pascual na lang na kahit natsi-tsimis ang pagkalalaki ay hindi nagladlad. Tingnan mo naman, yaming-yummy pa rin si Piolo, samantalang si Rustom (BB Gandanghari), yak na yak,” tumatawang sabi ng mataray naming kaibigan, huh!

ADVERTISING

Keanna Reeves, naghihirap na to death?!

More Luck
by Morly Alinio

ADVERTISING