Keanna Reeves, inindyan ang premiere night ng sariling pelikula

ADVERTISING

Keanna Reeves, inindyan ang premiere night ng sariling pelikula

Keanna-ReevesKALOKA ITONG si Keanna Reeves. Sa premier night ng kanyang pelikula last Monday ay inindyan niya.

ADVERTISING

Yes, sa isang simpleng premiere showing ng advocacy movie na Magtiwala Ka (tungkol sa kuwento ng mga Typhoon Yolanda survivors) na ginanap sa St. Francis Theater sa may Ortigas, hindi sinipot ng luka-lukang si Keanna ang pagtitipon.

Nabalitaan namin na nasa Mindanao raw ito na kaya tinabla niya ang naturang event ay dahil ayaw diumano niyang makita ang direktor ng pelikula na si Joric Raquiza dahil ito diumano ang dahilan ng away nila ng kanyang boyfriend na bagets na kasama rin ni Keanna sa pelikula.

Siya na nga lang ang kilalang personalidad sa movie, tinabla pa niya dahil lang sa selos niya kay Direk.

ADVERTISING

Aminado si Direk Joric na maliit lang ang pelikula niya at hindi sila natatakot na makipagsabayan sa playdate ng siguradong box-office sa takilya na She’s Dating the Gangster na pinagbibidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo mula sa Star Cinema. Dahil paniwala niya, “Maliit man o’ malaki ang pelikula ko, naniniwala ako na susuportahan ito ng publiko dahil sa advocacy.”

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING