Kean Cirpiano, respetuhin daw ng press ang pananahimik nila ng asawang si Chynna Ortaleza

ADVERTISING

Kean Cirpiano, respetuhin daw ng press ang pananahimik nila ng asawang si Chynna Ortaleza

Kean Cirpiano, respetuhin daw ng press ang pananahimik nila ng asawang si Chynna OrtalezaMedyo mailap si Kean Cipriano sa entertainment press sa pagbibigay ng detalye tungkol sa relasyon nila ng  aktres na si Chynna Ortaleza. Nakiusap siya na sana raw ay respetuhin ng press ang pananahimik nilang mag-asawa.

ADVERTISING

Ayaw rin niyang magbigay ng detalye tungkol sa kanilang church wedding.

“Thank you for asking that, but the thing is, me and my wife have talked about it and we discussed it na parang all the details about her life, regarding marriage and her family, we will keep it to ourselves  all the details…

“I mean… thank you for the respect,” pahayag niya ng makausap namin siya sa presscon ng “Love Is Blind” na showing on Feb. 10.

ADVERTISING

May balita ring buntis na si Chynna Ortaleza kaya minadali nila ang pagpapakasal. Ano ba talaga ang totoo rito?

“Well, the thing is… kasi po I respect  her decision and our decision as a family as well, so I don’t really wanna give out like any details regarding that,” pag-iwas pa niya sa tanong.

“But we are living a good life with a happy family. Kapag nagsalita ako tungkol sa detalye baka matulog ako sa baba ng kama at ayoko naman n’on,” natatawa niyang pahayag.

Eh, bakit nga ba tila nagmadali silang mag-settle down ni Chynna? Ganu’n ba talaga ka-intense ang kanilang pagmamahalan?

“Love is intense and life is short. Kumbaga, we’re all born to love and to be happy and  to die one day. Pero kumbaga, if there’s one perfect thing na mararanasan mo sa buhay is ‘yung magmahal nang sobra-sobra, ‘di ba?” reaksyon pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING