Kean Cipriano, walang balak isapubliko ang tungkol sa anak nila ni Chynna Ortaleza

ADVERTISING

Kean Cipriano, walang balak isapubliko ang tungkol sa anak nila ni Chynna Ortaleza

Kean Cipriano
Kean Cipriano

Gustong gawing pribado ni Kean Cipriano ang tungkol sa anak nila ni Chynna Ortaleza. Wala ring post ng picture ang singer-actor na isa sa mga bida sa pelikula ng Regal Films na “That Thing Called Tanga Na” ng baby girl niya sa social media.

“We have our own thing, we have our own decisions, we have our own choices. Kumbaga, yeah we live in a public environment, pero hindi kami mapi-pressure sa isang bagay na desisyon namin,” katuwiran pa niya.

Eh, hanggang kailan ba niya balak itago ang baby nila sa publiko?

“What you see is what you get. We’re not hiding anything, it’s just that we’re very private and careful. Coz we’re talking about family now, it’s not just me being the artist or Chynna being the artist, it’s a family thing already. I mean, I’m sure you’ll protect your family as much as you can, ‘di ba? You don’t wanna give out like information and all that shit. Pero ano, eh, choice talaga namin ‘yan.

ADVERTISING

“Kumbaga, kung meron kaming gustong pag-usapan, gusto sana naming pag-usapan ‘yung ginagawa naming projects, ‘yung art namin… alam mo ‘yon, kasi ‘yon ‘yung purpose at mission namin sa industriyang ito,” sey pa ni Kean Cipriano.

Kasama rin nga pala ng actor sa “That Thing Called Tanga Na” sina Eric Quizon, Martin Escudero, Billy Crawford, at Angeline Quinto. Showing na ang pelikula sa August 10 mula sa direksyon ni Joel Lamangan.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING