Kean Cipriano, pipiliting maisingit ang Valentine’s date sa wife na si Chynna Ortaleza

ADVERTISING

Kean Cipriano, pipiliting maisingit ang Valentine’s date sa wife na si Chynna Ortaleza

Kean Cipriano, pipiliting maisingit ang Valentine’s date sa wife na si Chynna OrtalezaBusy as a bee, ‘ika nga itong si Kean Ciprano. Mula nang ikasal kay Chynna Ortaleza, tila sunud-sunod na ang suwerte at kabisihan ng lead vocalist ng bandang Callalily sa kanyang showbiz career.

ADVERTISING

Si Kean, bukod sa kasama siya sa cast ng rom-com offering ng Regal Films na “Love is Blind” na mapanonood na sa February 10, kasama rin siya sa bagong rom-com pang-telebisyon ng ABS-CBN na “Dolce Amore” na siyempre ang magbibida ay ang tambalang Liza Soberano-Enrique Gil.

Sa bagong serye, Kean plays family to Quen, kung saan ang mga magulag nila ay sina Edgar Mortiz at Rio Locsin. Sa pelikulang “Love is Blind”, he plays the guy na makaki-kissing scene si Kiray Celis na ayon sa batang komedyate tungkol sa deskripsyon niya sa halikan nila ng rakista, “Siya ang passive kisser,” sabi nito sa media.

Sa kasalukuyan, nasa work mode si Kean Cipriano lalo pa’t pinaghahandaan na nila ng misis niya ang kanilang church wedding.

ADVERTISING

Tulad ng dating pahayag ni Kean, ayaw muna niyang i-share sa media ang mga detaye ng kasalang magaganap. “Sana maintindihan n’yo na I want this event to be special sa amin. Ayaw ko namang ma-preempt. Pero pa, okey na hindi kami magiging maranot. We will share information sa press at sa mga fans namin,” sabi nito.

Bukas, Saturday nasa Starmall Talisay, Cebu si Kean together with Kiray, and on Sunday ang dalawa naman ay nasa Market Market at Starmall Taguig.

“Valentine’s Day ko nga may trabaho ako. Wala kamig date ni Misis dahil last weekend ng promo naman namin ng ‘Dolce Amore’. From ASAP, konting break lang diretso naman kami sa Market Market for our grand mall show promo. Pero isisingit ko ang date namin ni Misis. First Valentine’s Day date namin ito as husband and wife,” natatawang kuwento ni Kean.

Mamaya na ang premiere night ng “Love is Blind” sa SM Megamall. Kita-kitz tayo.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING