Kean Cipriano, masaya raw sa bagong idine-date

ADVERTISING

Kean Cipriano, masaya raw sa bagong idine-date

Kean-CiprianoHINDI GAANONG masalita si Kean Cipriano tungkol sa kanyang personal na buhay. Kaya last time na kinukulit namin tungkol sa current status ng kanyang lovelife, halos isang tanong-isang sagot lang ang usapan namin.

ADVERTISING

Hindi zero ang lovelife niya sa ngayon, ‘di ba? “As always!” tumatawang sagot niya.

He is dating someone right now? “Yes. Happily!”

So… totoo ang tsismis na sila na ni Chynna Hortaleza? “Actually I am being taken cared of,” sabi na lang ni Kean.

ADVERTISING

Excited at masaya raw siya ngayon kaugnay ng bagong album na iniri-record nila ng banda niyang Callalily.

Ano ang title ng kanilang bagong album? “A… we’re still cooking everything. ‘Yong mga details, hindi pa namin gaanong naaayos. Pero so far, masaya kami. Actually masayang-masaya kami sa mga materials na meron kami ngayon, so watch out for it.”

Marami ang naintriga na biglang tinapos ang Inday Bote. Sinasabi na mahina raw ang ratings kaya tsinugi na agad.

“Tanungin n’yo na lang po sila,” sabay ngiti ni Kean. “Hindi. Ito lang ‘yon… may mga bagay na sinisimulan nang maganda at tinatapos nang maganda. Alam mo ‘yon? So, ‘yong show na ginawa namin na Inday Bote… when it comes to ‘yong proseso no’n, ‘yong script, pre-prod no’n, ‘yong pag-edit no’n, lahat ‘yon pinaghirapan ng buong crew. Ng director namin, ng mga actors, hanggang sa utility namin na nagbigay ng lahat, alam mo ‘yon?

“So kung anuman ‘yong… kung bakit natapos ‘yong show agad o nagri-rate ba or something, alam mo ‘yon? It’s actually beyond what I know. Kasi I’m there as an actor, you know. As an actor, I do my job. I’ll be the instrument in story telling so that’s it. Alam mo ‘yon? Hindi ko kayang… kasi ganito ang nangyari, e. Wala, I really don’t know.”

Napapabalita rin na lumaki na ang ulo at nagkaroon na ng hindi magandang attitude si Alex. Ano ang reaksiyon niya kaugnay nito? “Hindi, e. Wala naman akong nakikitang gano’n. Kaya hindi ko… sa ugali at ugali naman, iba-iba ang ugali ng tao, e. Ako, may kakaiba akong ugali na hindi mo trip o ikaw may ugali ka na hindi ko trip. ‘Di ba? Alam mo ‘yon? So parang… who are we to judge? And Alex is my friend so… hindi ko nakikita sa kanya ngayon.”

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan

ADVERTISING