Kean Cipriano kumalas na sa ‘Callalily’; Chynna Ortaleza, ipinaliwanag ang pag-alis ng mister sa banda

KUMALAS NA si Kean Cipriano bilang lead vocalist ng OPM band na Callalily matapos ang 17 years.

Simula rin ngayon ay tatawagin na lamang ‘Lily’ ang mga iniwang band members kung itutuloy man nila ang grupo na wala si Kean.

Kean Cipriano kumalas na sa 'Callalily'; Chynna Ortaleza, ipinaliwanag ang pag-alis ng mister sa banda
Chynna Ortaleza & Kean Cipriano

Ayon sa report ng GMA News Online, nilinaw ng O/C Records Vice President at loving wife ni Kean Cipriano na si Chynna Ortaleza ang tunay na dahilan ng pagkalas ng kanyang asawa sa mga dating kabanda.

“He feels like there’s a new kind of creativity being asked of [him] at the moment. Of course, he feels grateful na 17 years na siyang na-a-appreciate for the hits of Callalily but at the same time, he feels like there’s much more to [his] musicality that [he] can explore.

“And he’s not thinking about hits, he’s not thinking about what’s gonna sell at the moment, he just wants to really explore the music that’s been growing din naman over the past 17 years.” paliwanag ni Chynna.

Dagdag pa niya,”For Kean, he wanted so bad to experiment but because the band sells a certain way, he felt like he wasn’t being listened to.

Hindi lang daw para kay Kean ang pagkalas nito sa banda. Gusto rin diumano ng dating frontman ng grupo na mag-grow din ang ibang miyembro.

“Siyempre, he was trying his best din naman to do his own thing but the thing is, again, at the end of the day, he just felt like it’s been 17 years. It’s time for each individual to grow artistically.

Kean Cipriano kumalas na sa 'Callalily'; Chynna Ortaleza, ipinaliwanag ang pag-alis ng mister sa banda
Kean Cipriano of Calla Lily

“That’s why he decided it was time to retire the band or hang the jersey because he wanted to preserve that kind of legacy for everybody,” ani Chynna.

“He just really wants everybody in his circle to grow. That’s just how he is as a person. He wasn’t sad about it. He was actually very excited about the possibilities,” dagdag pa niya.

Bukas naman daw ang pinto ng O/C Records sa bandang ‘Lily’.

“Ako, I’m not the type of person that will tell you that cannot be. I’m a very open-minded artist, so is my husband, and everything that we represent.

“Kami, if people want to collaborate with us, people want to make music with us, we’re always open to that. If they don’t want to do it anymore with us, if they feel like it’s not a good fit, we’re also open to that and wala naming sama ng loob pagdating sa mga bagay na ganyan sa amin,” saad ni Chynna.

Previous articlePelikulang ‘Ngayon Kaya’ nina Paulo Avelino at Janine Gutierrez palabas na sa sinehan
Next articleVLOG WATCH: One Kilig Hapon with Rico Blanco and Maris Racal