KC Concepcion, walang magawa sa masasakit na isyung binabato sa kanya

ADVERTISING

KC Concepcion, walang magawa sa masasakit na isyung binabato sa kanya

KC-ConcepcionSA TOTOO lang, kawawa ang sitwasyon ni KC Concepcion tuwing umaalis siya. Palaging simula pa lang ng kanyang career, marami na ang may gustong pabagsakin ang aktres na nagsusumikap na makilala in her own effort bilang artista and not just the daughter of the Megastar Sharon Cuneta.

Kaya nga dahil sa mga tsismis kay KC, bugbog na at puno ng pasa ang dalaga dahil sa mga walang kuwentang bali-balita. Ilang beses na rin ba siya na tsismis na nagbuntis? Hindi na mabilang. Sa mga social media, kung lait-laitin siya akala mo kilala nila ang dalaga.

Maging ang aktres, napapailing na lang. “It hurts pero wala akong magawa,” pahayag niya sa media kamakailan.

Sa huling alis niya papuntang New York para mag-aral ng acting, kumalat na naman na buntis siya kaya kailangan niyang umalis para magpa-abort. Kaya nga tuwing namamayat siya, sasabihin ng mga detractor niya na nagpa-abort siya.

ADVERTISING

Ang kapatid na si Miel (na anak ni Megastar at Sen. Kiko Pangilinan), sinasabing anak niya sa pagkadalaga.

“Kulang na lang na pati si Miguel (ang kapatid niyang bunso) ay sabihin nila na anak ko rin,” pagsisintir ng dalaga.

Kaya nga biruan nila ng mga personal friends niya, tuwing aalis siya for work or vacation abroad, hindi maiiwasan na “buntis” siya. Sa abroad, magpapa-abort siya kaya kung bibilangin, mahigit sa sampung mga daliri sa kanyang mga kamay ang dapat sana’y anak na ng dalaga kung sakaling totoo ang balita.

Mabuti na lang, hindi nagre-react si KC sa kanyang mga basher. Hindi tulad ng kanyang ina na si Sharon na madaling ma-provoke.

Kaya siguro naging magaling na artista ang dalaga at patuloy na gumagaling, dahil sa kaliwa’t kanang banat sa kanya sa social media na nakadadagdag pondo sa puso niya para may paghuhugutan kapag umaarte na siya sa harap ng kamera.

Sa mga naunang mga eksena nila ni Coco Martin sa teleseryeng Ikaw Lamang, I find it cute at very relax na ibang-iba sa naunang Ikaw Lamang. Mas modern na kasi ang mga karakter ng mga artista sa serye.

I just wonder kung kalian matatapos ang buntis or abortion issue kay KC na paulit-ulit na lang. Nakakapagod na actually.

Sa ilang pagkakataon na nakaharap namin ang dalaga, she’s very accommodating, hindi maldita. Sa mga tanong na kung minsan ay ayaw niyang sagutin, she knows how to handle it na sasagutin ka niya with a smile na ngingiti ka na lang na you will respect her.

Isa marahil sa mga artista na nagustuhan namin sa kasalukuyan ay si KC and we admit it, aral sa nanay niyang si Sharon na love din namin noon pa man.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING