KC Concepcion, walang inaatrasang problema

ADVERTISING

KC Concepcion, walang inaatrasang problema

KC-ConcepcionPOSITIBO ANG dating ng biglang pagharap ni KC Concepcion sa mga bago niyang trabaho sa showbiz pagkatapos ng ilang buwan niyang pamamalagi sa ibang bansa. Kasama siya ngayon sa book 2 ng teleseryeng Ikaw Lamang ng Dreamscape Entertainment Television ng ABS-CBN, at medyo may pagka-kontrabida ang kanyang role. Pero bagay naman sa kanya dahil may angas din ang dating niya kapag kailangan niyang maging matapang sa papel na kanyang ginagampanan.

ADVERTISING

Kahit naman kasi sa totoong buhay, napaka-strong ng personality ni KC. Na kahit nga ang kanyang Mommy na si Sharon Cuneta ay nagulat, dahil sobra pala sa kanyang inaasahan ang tapang ng loob na mayroon ang kanyang anak. Nagulat ang Megastar sa unang pagtatangka noon ng kanyang panganay na hanapin sa ibang bansa ang kanyang Daddy na si Gabby Concepcion. Hinanap din ni KC ang kanyang mga kapatid sa iba’t ibang babaeng nakarelasyon ni Gabo.

Hindi inaatrasan ni KC ang kanyang mga problema. Nitong huli, hinarap din niya ang isyu at pinabulaanan na mayroon na siyang dalawang anak na itinatago. Matapang siya, dahil kabaliwan nga namang ibintang sa kanya, na mga anak diumano niya sina Frankie at Miel Pangilinan, na mga nakababata niyang kapatid at anak nina Shawie at Senator Francis “Kiko” Pangilinan. Mabait si KC, pero palaban siya sa buhay kapag siya ay nasa katuwiran.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING