KC Concepcion, very supprotive sa mga sister na sina Garie Concepcion at Cloie Concepcion

ADVERTISING

KC Concepcion, very supprotive sa mga sister na sina Garie Concepcion at Cloie Concepcion

KC Concepcion, very supprotive sa mga sister na sina Garie Concepcion at Cloie Concepcion

GINULAT NI KC Concepcion ang buong sambayanan when she graced the cover of Rogue Magazine’s January-February issue. She is hot, daring, classy and sexy as she holds a man’s head with a snake which wraps her left wrist. Sabi nga nila, if you have the body, flaunt it. At ito nga ang ginawa ni KC.

Kung ito ang kauna-unahang pagkakataon ng publiko na nakita si KC na nag-pose ng daring sa isang magazine ay ito rin ang kanilang first time na nakitang magkakasama ang magkakapatid na sina KC, Garie Concepcion, at Cloie Syquia-Skarne. The siblings were spotted last January 22 at Katy Perry’s concert which was held at the SM Mall of Asia Concert Grounds. Based on their Twitter posts ay kitang-kita ang excitement ng magkakapatid.

KC, Garie, and Cloie have waited a long time to bond together. Unang nagkaroon ng komunikasyon sina KC at Garie while it took Cloie more than 15 years bago nakapiling ang kanyang dalawang ate kaya naman maituturing na memorable ang kanilang pagkikita.

ADVERTISING

Nag-uumapaw sa kaligaya-han si KC sa kanilang pinakahihintay na reunion. “I guess, iyon ang gusto ni God na mangyari ngayon na maging close ako sa family ko, sa mga kapatid ko. It’s time to look for new inspiration. It’s my first time that I am finding my inspiration with my sisters.”

Just like her sisters KC and Garie, papasukin na rin ni Cloie ang showbiz. She recently signed a contract with Viva Artist Agency which handles her modeling career samantalang abala naman si Garie sa kanyang singing career. Last year, she launched her self-titled debut album with its carrier single Relaks Lang Tayo under Star Records.

KC is very supportive of her sisters. “I am ho-ping for the best. I want to see my sisters succeed in anything they do. Katulad ko, nag-e-explore ako ngayon. Medyo nakikita ko kung saang direksyon papunta ang buhay ko. So sa kanila rin, masaya sila sa kung anuman ang gusto nilang gawin.”

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING