KC Concepcion, very open na sa kanyang pamilya sa relasyon nila ni Ally Borromeo

ADVERTISING

KC Concepcion, very open na sa kanyang pamilya sa relasyon nila ni Ally Borromeo

KC Concepcion & Ally Borromeo
KC Concepcion & Ally Borromeo

Sa birthday dinner para sa kapatid ni KC Concepcion na si Miel, kasama ng dalaga ang boyfriend na si Ally Borromeo.

It was a very exclusive gathering. Kumpleto ang casting nina Sen. Kiko Pangilinan, Megastar Sharon Cuneta, ang dalawa pa niyang kapatid na sina Frankie at ang bunsong si Miguel.

Yes, very open na si KC sa kanyang pamilya with Ally na sa mga photo posting ng ina na si Mega sa kanyang Facebook account, all smile naman ang dalawa sa mga litrato na isini-share ni Shawie sa followers nila.

Happy for KC and Ally. At si Megastar, ang status niya para sa dalagang anak ay “Super Super Happy!

ADVERTISING

Perfect couple indeed.

Recently, si KC kasama ang nakababatang kapatid na si Garie (mula sa dating karelasyon ni Gabby Concepcion na si Grace Ibuna) ay nag-lunch bonding silang tatlo ng kanilang ama.

I’m sure, isa sa mga topic nilang mag-aama ay si Ally at si Garie naman, naikuwento na ang karelasyon na si Michael Pangilinan na going strong naman ang relasyon ng dalawa.

Kulang na lang sa lunch tsikahan nilang tatlo ay si Chloie na anak ng actor sa dating model-artista na si Jenny Sequia na ngayon ay nahirang and official representative ng bansang Sweden para sa Miss Earth 2016.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING