KC Concepcion, umatras sa movie nila ni Derek Ramsay at Anne Curtis!

ADVERTISING

KC Concepcion, umatras sa movie nila ni Derek Ramsay at Anne Curtis!

KC Concepcion, umatras sa movie nila ni Derek Ramsay at Anne Curtis!KINUMPIRMA SA amin ni KC Concepcion nang makausap namin siya sa ASAP 2012 nu’ng nakaraang Linggo na hindi na talaga siya kasama sa pelikulang Nothing Compares To You na pagsasamahan sana nila nila Derek Ramsay at Anne Curtis.

Ayon sa actress/TV host, gusto niyang kalmado ang 2012 sa kanya na magpo-focus muna siya sa X-Factor at sa seryeng pagsasamahan nila nina Judy Ann Santos at Sam Milby. Kinausap niya ang Viva Films tungkol sa desisyon at pinagpapasalamat niya na naintindihan siya ng mother studio.

Tinanong namin kung hindi ba may kinalaman dito ang seksing tema ng istorya na mala-No Other Woman daw ang magiging istorya, kung saan kakailanganin ng mga matured and sexy roles, ipinaliwanag sa amin ni KC na medyo hawig ang role niya sa serye sa karakter na gagampanan niya sa pelikula, kung kaya’t hindi ito ang rason.

Hiningan din namin ng reaksyon sa mga nakaraang tweets ng inang si Ms. Sharon Cuneta na minsan ay gusto na lang daw niyang mawala sa mundo dahil sa siya ang nagdadala ng mga naiwang responsiblidad ng amang namayapa na si Mayor Pablo Cuneta, ikinuwento sa amin ni KC na ang lolo niya kasi ay makalumang tao na hindi naniniwala sa ilang bagay tulad ng bangko at may isyung pampamilya na kinahaharap sila na alam niyang mabibigyang solusyon dahil tulung-tulong silang magpapamilya.

ADVERTISING

Consistent pa rin sa pagsasabi ng hindi magandang kinauwian ng relasyon nila ng ex-boyfriend na si Piolo Pascual, gusto ni KC na ang susunod na magiging karelasyon ay hindi taga-showbiz. Aminado ang aktres na maraming guwapo, talented at mababait na artista, pero sa ngayon ay mas gusto niya ng mas tahimik at pribadong buhay at alam niyang makukuha niya lang ito ‘pag non-showbiz guy ang susunod na magiging boyfriend.

 

NAKAUSAP DIN namin last Sunday sa ASAP 2012 si Patrick Garcia, kung saan hiningan namin siya agad ng reaksyon sa balitang nade-delay raw ang bigay niyang pangsustento sa anak kay Jennylyn Mercado na si Jazz, kung kaya’t naaantala rin daw ang pang-tuition ng bata sa eskuwelahang pinapasukan.

Ayon kay Patrick, tuluy-tuloy naman ang sustento niya sa anak at kung minsan ay naaantala dahil minsan ay madalang ang pasok ng trabaho. Kung saan minsan ay nararanasan din naman ito ni Jen at alam niyang naiintindihan naman ito ng aktres at ng ina nitong si Mommy Lydia.

Klinaro din niya ang balita na hindi raw dinadalaw si Jazz kung kaya’t bihira na silang magkita ng bata, kinuwento sa amin ni Patrick na nu’ng nakarang araw ay kasama niya ang anak.

Tinanong din namin kung totoong tinanggihan daw niya ang pelikulang Lihis na sana ay pagsasamahan nila ng kaibigan na si Baron Geisler dahil daw sa bakla ang role na gagampanan niya rito. Maaaring nakunsidera raw siya para sa role, pero wala naman silang natanggap na offer na siniguro sa amin ng aktor na bukas naman siya sa ganitong role kung challenging naman at maganda talaga ang istorya.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING