KC Concepcion, todo na sa pagka-wild?!

OLA CHIKKA now na! More chikka, more fun na naman tayo. Siyempre, bongga ang chikka dahil another week na naman, at naku magiging bongga ang pasabog ko today kaya naman don’t make your Monday a blue Monday.

Maloloka ka talaga sa Earth, dahil hindi kinakaya ng powers ko, na after naman magpakita ng puwet ni KC Concepcion sa isang magazine at magpa-sexy, ang nipples naman niya ang next!

Ano kaya ang gustong palabasin ni KC, na bakit para namang masyado ang pagiging liberated niya? Sa bagay, matagal na naman siyang ganyan. Kaya lang, bakit ngayon lang siya nagpaka-wild? Dahil ba sa break-up nila ni Papa P? Kasi naman… maloloka ka naman talaga sa Earth, ‘di ba?

‘Yun ang mga napapansin ng madlang pipol na nagpaka-wild siya. Pero ok lang, bagay naman sa kanya at effect naman ang dating. Masyadong marami lang ang nag-react, kasi pa-sweet ang dating niya. Hindi talaga kinaya ng powers ko, ‘te! Naku lalong mawawarla ang nanay niya.

Ano kaya ang masasabi ng daddy niyang si Gabby Concepcion? Hay, kaloka ‘di ba?

ANOTHER CHIKKA na naman ito siyempre, hindi ito basta-basta chikka. Dahil natuwa naman ako sa bagong ginagawang pelikula ni Direk Buboy Tan na indie film. ‘Yan ang Larong Bata na talaga namang marami kang matututuhang aral.

At take note, lahat ng mga talent ko sa Ola Chikka Production ay kontrabida. Kasama rin ako rito sa pelikula, at take note, isa akong principal dito. Kaya naman para sa mga fans ko, kakaiba ang magiging eksena ko tito, abangan!

At ang nakakatuwang chikka rito, mabibigyan na ng break ang anak kong si Kariz Espena. At last, naisama na rin ni Direk Buboy sa pelikula at matagal na niyang pinaplano. Nabigyan na rin ng pagkakataong umarte ang aking junakis. Siyempre ako ang tatay, kung tatanungin n’yo ako kung magaling bang kontrabida ang anak ko, ang say ko lang ay winner naman siya sa pag-arte. Baka mabigyan ng break pa ito lalo na ‘pag naipalabas ang pelikulang Larong Bata.

Ang mga bida rito ay sina Nash Aguas at si Basty. Naku malalaki na sila at ang magiging kontrabida. Sabi ko nga kanina, ang mga talent kong si Marc Tanjalangit at ang aking anak na sila talaga ang mambu-bully. Ang taray, ‘di ba?

Salamat nga pala sa Guardian Alcohol at sa Century Chemicals, at happy trip kay Boss Kenneth sa pagpunta niya sa abroad!

BLIND ITEM: Sino siya? Sino kaya itong more eksenador na hunk actor na talaga namang napaka-yummy at mukhang inaayawan na ng mga endorser dahil hindi talaga nila kinakaya ang amoy ng hininga nito?

Kahit nga raw may dala-dala pa siyang pang-spray, hindi talaga kinakaya! Naku, sana naman magamot ito kasi sayang talaga ang hunkable body niya. Kaya siguro iniwanan siya ng mga na-link sa kanyang babae, ‘di ba?

At walang napapabalitang GF ito, dahil puro ‘di tiyak ang nagiging kaeksenahan niya, at naiisyu lagi na mahilig magpa-booking sa mga bading.

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleKahit lumipat na ng istasyon ang direktor Marian Rivera at Direk Mac Alejandre, ‘di nagbago ang friendship
Next articleSa sobrang pagpatol sa haters at bashers Sharon Cuneta, mega-okray sa twitter!

No posts to display