KC Concepcion, susunod na kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa TV5?!

ADVERTISING

KC Concepcion, susunod na kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa TV5?!

KC Concepcion, susunod na kina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion sa TV5?! BLIND ITEM: Ang narinig namin – pero hindi naman namin kino-confirm, ha? – na lihim na nililigawan ng isang sikat na personalidad ang isang kontrobersiyal na young actress.

At ito’y nakarating sa ex-boyfriend ni young actress. Si Ex ay hindi pa rin maka-get over at maka-move on sa nakaraang pakikipagrelasyon kay young actress.

Eh, si Ex ay kilalang “benggador” as in gagawa at gagawa ng paraan kahit pailalim para lang makaganti sa ex-GF. Kaya ang ginawa raw nito ay gumawa ng isang “pasabog” na aba, oo nga, lumikha ng matinding ingay kelan lang.

“So, lumalabas, mare,” sey pa ng aming source, “Na kung hindi ka rin lang babalik sa akin eh, sisiguraduhin kong walang makikinabang sa ‘yo, dahil sisirain ko ang reputasyon mo at ang career mo!”

ADVERTISING

Talaga? Me gano’ng factor? Baka nagkataon lang, hindi kaya?

“Totoo, ‘Day! Tingnan mo ang pasabog niya, ‘di ba? Sino ang hindi mawiwindang du’n. Eklat-eklat ‘yung rason na me nagnakaw ng ____ at hindi na niya alam kumba’t kumalat ‘yon.

“Kasi nga, nakarating sa kanya na nanliligaw si _____ sa ex niya. Parang na-slight insulto siya, kaya ayun na, sunud-sunod na ‘yan. Eh, parang baliw pa namang umibig ‘tong si ex-boyfriend, kaya hindi na makatulog sa pag-iisip kung paano pang makakaganti.”

Hindi namin alam kung ito’y totoo. At hindi rin namin alam kung aware sa isyung ito ang sikat na personalidad na nililigawan pala nito ang ex ni ex-boyfriend. I mean, you know….

 

ANO BA ‘yan? Kung hindi si Vice Ganda ang kinukumusta sa amin, hinihingan naman kami ng opinyon tungkol sa KC-Piolo hiwalayan. At ang latest ay walang patid na katatanong sa amin sa mga bangkong pinupuntahan namin kung totoo raw ba ‘yung “abortion issue”.

Mahirap din ‘yung nagko-comment ka, dahil kada sabihin mo ay paniniwalaan nila. Kahit nga nagbibigay ka lang ng opinyon, madalas na ‘yun na rin ang opinyon nila, dahil alam nilang “insider” ang kausap nila.

Ang masaklap na katotohanan pa niyan eh, itsitsismis pa nila sa mga kapitbahay at mga kaibigan na, “Eh, sabi ni Ogie nu’ng nakausap ko, totoo raw ‘yong abortion, blah-blah-blah.”

Kaya kami, hangga’t maaari, wala kaming konkretong sina-sabi. Anyway, halos lahat naman ng nakapanood ng video blog ni DJ Mo Twister ay iisa rin halos ang opinyon, eh.

Pero siyempre, sina DJ Mo at Rhian Ramos lang ang makasasagot niyan. Me utang silang paliwanag sa mga tao (dahil nagpapagpagan na rin lang ng dirty linen in public) at me utang silang paliwanag sa Diyos.

Hintayin natin silang magsalita.

Nag-breaking news na rin ang GMA-7 na sasampahan nila ng kaukulang kaso si DJ Mo, dahil sa video blog na ‘yon. At ang sabi pa sa amin, papaspasan ang pagsasampa ng kaso para mapigilan ang pag-alis ni Mo sa bansa.

Sabi nga ng aming kahun-tahang kaibigan, “Baka sa pag-alis ni Mo, sa airport pa lang, hindi na siya makilala ng mga tao, dahil naka-bandanang pula rin siya para hindi makilala!”

Sagot naman namin, “Gagah, sa New York ang punta niya, hindi sa Turkey!”

 

FEELING NAMAN namin, hindi malayong mangyari ang agam-agam ng marami kung si KC Concepcion ay biglang lilipat sa TV5 para sumama na bilang “kapatid” ang mga parents na sina Gabby Concepcion at Sharon Cuneta.

Iniisip din nu’ng iba na kung papipiliin between KC and Piolo, mas malamang daw na piliin ng Star Magic si Piolo Pascual at hindi na para maramdaman pa ‘yon ni KC.

Well, let’s just wait and see.

NAKAKATUWA NAMAN ang pagmamahal ni Derek Ramsay sa kanyang manager na si Joji Dingcong. Nalaman namin mula sa isang kaibigan na ilan na pala ang gustong sulutin si Derek mula kay Joji, pero ang lagi lang daw sagot ni Derek ay, “No, hindi ko iiwan si Joji. I love the guy!”
Mabuhay ka, Derek!

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING