KC Concepcion, sa lola inalay ang Famas trophy

ADVERTISING

KC Concepcion, sa lola inalay ang Famas trophy

KC-ConcepcioGANU’N NAMAN yata kapag panganay na apo ka lalo pa’t babae, super close ka sa iyong lola. Kaya si KC Concepcion, walang ipinag-iba sa mga panganay na babaeng apo ng ng mga lola.

Super close ang panganay ni Megastar Sharon Cuneta sa kanyang Lola Elaine na “Mita” as in short for Mamita ang tawag niya. Kaya pala nag-pursue ng kanyang showbiz career si KC dahil sa kanyang lola.

“My grandmother is the reason why I pursued a career in entertainment. She always enjoys watching me on stage and on screen. She gets impatient when she doesn’t see us performing,” pahayag ng Famas 2014 Best Actress sa kanyang performance sa 2013 MMFF entry na Shoot to Kill: Boy Golden last Monday.

Kasabay nito masayang nanalo rin ang kanyang leading man sa pelikula si Gov. ER Ejercito as Best Actor bukod sa special award na ibinigay ng FAMAS kay Gov as the Grand FAMAS awardee.

ADVERTISING

Sa katunayan, tuwang-tuwa si Mommy Elaine na noong kapanahunan ni Mega noong nagsisimula pa lang ito sa showbiz, palagi naming nakikita, nakakatsika si Mommy Elaine.

Actually, si Mommy Elaine ang personal PR ni Mega noon. Tsika ni Mommy Elaine ang halos lahat ng mga entertainment press kung kaya’t si Megastar, love na love ng showbiz press.

Kaya nga kinabukasan (Sunday ang FAMAS event) dumalaw agad si KC sa kanyang Mita para ialay ang napanalunang acting award.

“Glad I won it if only to make her proud,” pahayag ng aktres.

Sa kanyang Instagram account (xtina_ontherocks), naka-post ang photo ng mag-lola na pareho nilang hawak ang FAMAS statue habang katabi na nakahiga sa kanyang ‘Mita’ si KC.

Tulad ng kanyang ina na si Sharon, kung gaano ka-love ni Mega si Mommy Elaine, ganu’n din ka close at mahal na mahal ng apo ang kanyang lola.

I just don’t know kung si Paulo Avelino, ang lalaking nagpapa-glow sa magandang mukha ni KC at nagpapangiti sa kanya, ay nakilala na ni Mommy Elaine.

Maging ang ama niyang si Gabby Concepcion ay isa sa mga naunang bumati sa kanyang dalaga nang manalo ito sa Best Actress last Sunday.

Sa ngayon, tahimik ang mundo ng aktres. Hinay-hinay na binubuo nila ni Paulo ang “pag-ibig” na kanilang nasimulan na kahit wala mang confirmation na sila na, hayaan na lang natin sina KC at Pau na ma-enjoy nila ang “privacy” ng kanilang pag-iibigan.

Basta kami, happy for KC. Hindi lang pang personal level kundi lalo na sa kanyang showbiz career.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING