KC Concepcion, p’wede ring maging boyfriend si Paulo Avelino

ADVERTISING

KC Concepcion, p’wede ring maging boyfriend si Paulo Avelino

Paulo-Avelino-KC-ConcepcionKC CONCEPCION has proven her caliber as an A-list actress after winning the Star Awards for TV Best Supporting Actress for her role as Alexis, the antagonist on the primetime teleserye Huwag Ka Lang Mawawala which also starred Judy Ann Santos and Sam Milby. Marami ang pumuri at nakapansin sa magaling ng pagganap ni KC bilang kontrabida sa nasabing series.

ADVERTISING

Muling mapapanood si KC sa isang challenging role sa pelikulang Boy Golden na isa sa mga official entries sa 2013 Metro Manila Film Festival (MMFF). Para maging epektibo sa kanyang pagganap ay sumailalim pa si KC sa isang rigorous training under a Hollywood stunts director na nagturo rin kay Angelina Jolie sa Tomb Raider.

Busy ngayon si KC sa kanyang career pero may puwang ba sa kanyang buhay ang pag-ibig? Naging malaking balita sa apat na sulok ng showbiz ang ginawang pag-amin ni Paulo Avelino that he and KC are dating. Sabi ko nga, KC must be special for Paulo to reveal that they are dating kahit na he was very secretive about his love life in the past.

Paulo-Avelino-KC-ConcepcionKC recently broke her silence and talked about Paulo when she guested on Buzz ng Bayan. “Hinahangaan ko siya bilang aktor and since priority ko ngayon iyong work ko as an actress, ang ganda ring pag-usapan iyong trabaho namin,” she said.

ADVERTISING

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga before, I’m never, never going to date an actor. Ayaw ko na talaga. [Pero] iba rin naman siya sa mga actor. Urian winner na iyon. Tinuturuan niya rin ako about sa character building.”

KC said that she enjoys hanging out with him although she previously clarified that they are not exclusively dating.

Handa na bang muling tumibok ang kanyang puso ngayon? “Actually, isa iyan sa mga nakakapagpakaba sa akin na parang takot ba ako? Sabi ko nga kay Mama [Megastar Sharon Cuneta], ‘Ano ba ito? Lagi kong sinasabi na hindi ako ready mag-commit. Kailan ba ako magiging ready ulit? Takot ba ako nang over?’ Sabi lang niya at ng mga Tita ko, ‘Give yourself a chance.’”

Sinabi ni KC na magkaibigan daw silang dalawa pero she considers Paulo as a boyfriend material.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING