KC Concepcion, pumiyok sa isyung buntis kaya nagtatago

ADVERTISING

KC Concepcion, pumiyok sa isyung buntis kaya nagtatago

KC-ConcepcionPINAGDIINAN NI KC Concepcion na hindi pa siya handang makipagrelasyon kaya nilinaw niya ang tunay na score sa kanila ni Paulo Avelino na pilit inili-link sa kanya.

“Paolo Avelino is not my boyfriend yet. I’m not committing to anyone right now. I have no commitment to anyone,” say ni KC sa isang website.

“It’s not my priority right now. But it will be soon enough. Honest naman ako. Alam ng mga taong involved kung ano ‘yung state of mind ko ngayon,” say pa ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta.

Maraming factor daw kung bakit nasasabi niyang hindi pa siya handa sa anumang commitment.

ADVERTISING

“I don’t wanna be hurt, ‘kakapagod. I’m taking it slow. Talagang very slow. I’m very careful with my heart right now.

“I’m being good to myself. Welcoming enough but also putting limit kasi masyado akong nagbigay dati. So dapat, mag-iwan para sa sarili,” say pa ni KC.

Nasa New York, U.S.A si KC ngayon para mag-aral at paghusayan pa ang kanyang pag-arte. At pinagdiinan na walang katotohanan na buntis siya at nagtatago.

“After doing “Boy Golden”, I had pneumonia,” pag-amin ni KC. “The doctor here said run-down ‘yung katawan ko. I just realized my body was screaming lot a bit of rest.

“I’ve always been the type to need rest cause it’s so difficult to do that in the Phillipines. It’s a different world out there and everyone knows your whereabouts.

Sabi pa niya: “Here I can read three books in one week. In the Philippines, wala akong time magbasa ng libro kasi, ‘di ba, parang itutulog mo na lang?”

So, there. Walang katotohanan na buntis si KC at paminsan-minsan ay kailangang magbalik siya ng ‘Pinas para sa mga commitment, tulad ng doing a lot of shoot for her commercial at guesting dahil may mga kontrata siya na pinirmahan na dapat gawin.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING