KC Concepcion, pinupog ng halik ni Piolo Pascual

ADVERTISING

INIINTRIGA SI LORNA Tolentino at pinipilit na magsalita sa pagiging unprofessional diumano ni Kristine Hermosa. Sa umpisa pa lang, ito na ang iginigiit kay LT, hanggang muling matsismis na nag-iinarte na naman daw sa set ng Dahil May Isang Ikaw si Tintin, na tahasang sinasabi ni LT na walang ganoong isyu, as far as she’s concerned. Hindi raw totoong pinaghihintay sila ni Tin sa taping.

Maski sa aktingan, kahit karamihan ng mga eksena ni LT ay si Tin ang kasama niya, hindi nito maiwasang ikumpara si Tin sa acting style naman ni Karylle, na for the first time, makakasama nga ni LT ang pamangkin niyang ito sa pagdadrama. Magkaganoon man, mayroon among press people ang deliberately ay gustong intrigahin si Tin sa pagiging unprofessional nito diumano, na ayaw namang sakyan ng senior actress.

ADVERTISING

Ngayon pa lang, pinaghahandaan na ni LT ang mga matitinding eksena nila ni Tin sa korte. Dapat na maging up on her toes si Tin dito. Nagre-research si LT. Nanood daw talaga siya ng canned legal foreign drama shows, at nagtatanong sa mga kaibigang lawyer, para sa pag-atake niya sa kanyang role bilang abogada sa nasabing teleserye.

HINDI NA YATA mawawala pa ang pagpapa-cute sa tuwing may loveteams na iniintriga. Gaya ‘yung kina Piolo Pascual at KC Concepcion para sa Lovers in Paris. Noon ay puro kaeklatang Richard Gutierrez at KC ang pinapakulo, pero wala rin naman, at hindi nga rin namin maintindihan kung ano ang psychology mayroon dito. Mayroon pa ba talagang kilig nang ganito sa fans?

Pero, mukhang ‘yun ang binibili talaga ng masa. Sa pagpo-promote nina KC at Piolo sa The Buzz noong Linggo, may time na pinupog talaga ng halik ng huli ang kanyang leading lady. Ano pa’t naghiyawan ang fans sa studio dahil dito? Tiyak na ganoon din ang reaksyon ng televiewers.

ADVERTISING

In fairness kay KC, ginawa man ni Piolo ‘yun, in character pa rin siya as Vivian habang nagsasalita kaya malinaw na para lamang ‘yun sa promo ng kanilang teleserye.

ADVERTISING