KC Concepcion, pinatunayang ‘di siya buntis

ADVERTISING

KC Concepcion, pinatunayang ‘di siya buntis

KC-Concepcion“ONCE & for all: What is this rumor that I am “pregnant”??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life.”

Ito ang pinost ng talented actress na si KC Concepcion sa kanyang Instagram kaugnay sa napapabalitang kaya siya nangibang-bansa ay dahil buntis siya.

Ilan pa sa mga post ni KC sa kanyang Instagram: “Someone tried to spread this rumor since I left for Paris at 18 & wow now it’s back?”

“Please. When the time comes that I would be blessed with a beautiful baby I will be the first one to proudly announce it to my family, friends, supporters, loved ones.”

ADVERTISING

“Although I don’t want to be rushed… I honestly can’t wait for that day.”

“Have a happy day, beautiful people!!! Let’s work on getting fit, healthy & happy! xx, K.”

At bilang patunay na hindi siya buntis, nag-post si KC ng kanyang larawan na siya ay sexy at slim habang nag-e- exercise para malaman ng lahat na tsismis at walang katotohanan na siya’y buntis.

Hindi nga raw alam ni KC kung bakit na everytime na lang daw na aalis siya ng bansa ay paborito siyang itsismis na buntis. Ganu’n din daw kasi ang nangyari nu’ng naisipan nilang mag-aral sa ibang bansa at nang umalis na siya ay kumalat ang balitang buntis siya.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING