KC Concepcion, pinatunayan ang pagiging propesyunal

ADVERTISING

KC Concepcion, pinatunayan ang pagiging propesyunal

KC-ConcepcionHAPPY SI KC Concepcion sa naging positive feedback sa kanya ng mga manonood ng Ikaw Lamang na nagtapos last Friday. Hindi matatawaran na isa siya sa mga magagaling nating mga artista ngayon na puwedeng makipagsabayan sa mga galing nina Judy Ann Santos at Bea Alonzo.

Professional actress si KC lalo pa’t pinatunayan niya kamakailan na kahit kagagaling lang sa Dengue, work kaagad siya tulad ng inaasahan mula sa kanya, kaysa sa mag-iinarte siya gayong kailangan na kailangan ang presence niya sa last taping days ng serye.

Last Saturday, maagang bumiyahe si KC kasama ang ina na si Megastar Sharon Cuneta sa Hong Kong para magbakasyon and at the same time ay mag-shopping ng mga pamasko sa mga mahal niya sa buhay.

Sa Hongkong babawi si KC. Sa Instagram posting niya with a photo together with her mom (na mukhang slim in her black outfit); food trip na rin ang biyahe nilang ito. Congrats sa dalaga ni Mega.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING