KC Concepcion, pinaasa sa Dyesebel?

ADVERTISING

KC Concepcion, pinaasa sa Dyesebel?

KC-ConcepcionFIRST CHOICE pala si KC Concepcion para gumanap na Dyesebel sa classic novel ni Mars Ravelo under DreamScape Productions. Kaso mo nga, kay Anne Curtis ipinagkatiwala ni Deo Edrinal. Isa sa mga naging basehan nila ang pagiging in demand ng actress/singer sa advertisers. Kahit nga may mga negative issue tungkol sa kanya. She can get away with it. Tanggap pa rin siya ng kanyang mga fans.

Excited pa naman si KC nang sabihin sa kanya na siya raw ang gaganap na Dyesebel, ayon sa aming source. Ipinangako raw kay KC ang nasabing fantaserye kaya’t tinanggap ng dalaga ang kontrabida role sa teleserye nila ni Judy Ann Santos. Ang sabi, sa susunod daw na TV project, si KC na ang nasa title role. Kampante naman ang actress/ singer, pinanghawakan nito ang pangako sa kanya.

Nilinaw ni KC, walang siyang regrets kung gumanap man siyang kontrabida sa teleserye nila ni Juday. It’s a big challenge on her part para lalong ma-enhance ang galing niya sa pag-arte. Sa seryeng ito, nagwagi siyang Best Supporting Actress sa Star Awards for TV.

Pero hindi nga nangyari ang pinapangarap ni KC na maging Dyesebel. Sa sama raw ng loob ng dalagang anak ni Sharon Cuneta, biglang nag-fly ito abroad. Kahit sinuman namang artista nangangarap mapasa-kamay nila ang nasabing komiks character. Napawi lang daw ang lungkot ni KC nang iparating sa kanya na nanalo siyang Best Actress sa Star Awards for Movie for the film Boy Golden.

ADVERTISING

Tanggap na ni KC na hindi para sa kanya ang TV project. Kailangan mag-move-on, maghintay ng tamang proyekto na para sa kanya. Ang balita namin, may inaayos na show ang Kapamilya Network na swak sa personality ng dalaga. Knowing KC, paghahandaan niya ito. Always the best performance ang aasahan natin kay KC Concepcion. Teka, anong malay natin ang “Darna” pala ang totoong nababagay sa kanya.

Kumpleto na sana ang kaligayahan ni KC kung sa kanya napunta ang Dyesebel. Well, hindi lahat ng bagay na gusto natin ay napapasaatin. Isipin na lang na may mas magandang blessing na naghihntay.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING