KC Concepcion at Paulo Avelino, muling magsasama

ADVERTISING

KC Concepcion at Paulo Avelino, muling magsasama

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoAKALA KO magiging maganda ang ihip ng Kapaskuhan para kay KC Concepcion tulad sa hanging amihan na malamig kapag dumampi sa mga mukha natin. Sa mga publicity photos ng special Christmas anthology niya, for the first time, magsasama silang dalawa ng rumored “karelasyon” niya na si Paulo Avelino.

Yes, sa pamamagitan ng “Exchange Gift” episode para sa Give Love on Christmas, ang mga tagahanga ng dalawa ay for sure magiging masaya at matutupad na rin sa wakas at maisasakatuparan na ang matagal na nilang pangarap na kahit sa telebisyon ay maging “sila”.

Last Wednesday morning, habang ka-text ko si EJ Salut, Ad and Promo Manager ng Dreamscape Entertainment na producer ng three episode special para sa Kapamilya Network, noong umagang ‘yun, papunta si Eric sa location para sa shoot ng promo plug ng naturang Christmas Special.

Ang hindi namin alam, noong umagang ‘yun just past noon, magwawakas na pala ang buhay ng pinakamamahal na Mita (tawag ni KC sa kanyang Lola) na si Mommy Elaine na ina ni Megastar Sharon Cuneta.

ADVERTISING

Sa kanyang Twitter account, si KC mismo ang nag-announce sa pagpanaw ng kanyang pinakamamahal na Mita. That was around 1:14 in the afternoon. To quote KC: “Hi. I just lost the love of my life today. My Mita will forever be the BEST GRANDMA EVER. She will forever be with me. I love you, my Mita.

“My grandma will forever be my inspiration. She loved life, gave us all beautiful adventures. She knew me more than I knew myself.”

Earlier that day humihingi ng dasal si KC sa kanyang mga kaibigan at supporters kung saan noong umagang ‘yun ay naka-schedule si Mommy Elaine na mag-undergo ng operation. In her Twitter account she posted: “Hi pls send ur prayers up for my grandma. She’s in a make-or-break situation with an operation she has to undergo this morning. Love u all x,” end of message.

After ng kanyang huling posting nagpahayag na ang aktres sa kinahinatnan ng kanyang Mita.

Kung maalala pa kamakailan, kahit may magandang gown na isusuot sa nakaraang Star Magic Ball na ginanap sa Shangri-La Makati, hindi dumalo si KC sa kasiyahan at mas ninais niyang makasama at magbantay sa kanyang Mita sa ospital na sa event ay dumalo si Paulo without KC on his side.

Malamang, ngayong parating na ang Kapaskuhan, mami-miss ni KC ang Mita niya na siyang punong abala sa pagde-decorate ng kanilang bahay at pag-aasikaso kung ano ang ihahanda tuwing sumasapit ang Christmas.

I remember Mommy Elaine sa panahon na maalaga siya sa mga press people noong kapanahunan ni Sharon. Si Mommy Elaine, isa sa mga well-loved showbiz mommy noon na bukod sa mabait at maasikaso ay super galante sa entertainment press. Bukod kasi sa pakimkim ng Megastar, may extra pakimkim pa si Mommy Elaine noon.

Para kay Sharon na madalang na naming nakikita nang personal at kay KC at sa mga naiwanan ni Mommy Elaine, nakikiramay kami.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING