KC Concepcion at Paulo Avelino, malaking question mark pa rin ang relasyon

ADVERTISING

KC Concepcion at Paulo Avelino, malaking question mark pa rin ang relasyon

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoMALAKING QUESTION mark hanggang ngayon kung totoo nga may relasyon sina KC Concepcion at Paulo Avelino dahil hindi naman sila umaamin kung sila na nga. Sabi nga ng singer-actress, “We’re enjoying each other kung anumang relationship mayroon kami.” Palaging bitin ang sagot ng dalaga tuwing napaguusapan ang actor.

Hindi naman namin maramdaman kay KC na in love siya kay Paulo. Oo nga’t palagi silang magkasama sa mga lakaran, having dinner together, out of town for a few days, at pagbabantay ni Paolo kay KC nang na-hospital ito. Hindi ibig sabihin, their both in love, hindi kami naniniwala. Knowing KC, mataas ang standard nito pagdating sa lalaki. Hindi ito basta-basta na lang papasok sa isang serious relationship na hindi siya sigurado sa kanyang sarili.

Lalo pa ngayon, may bagong teleserye sina KC at Paolo, nabuo sa isipan naming gimik lang ang kanilang relationship para i-promote ang bago nilang show sa ABS-CBN. Maging ang binatang ama, hindi makapag-comment sa real score nila ni KC. Lumilihis ang kanyang mga sagot sa tanong tungkol sa kanila ng anak na dalaga ni Sharon Cuneta.

Kung totoo ngang magkarelasyon sina KC at Paolo, it’s about time na aminin nilang dalawa para subaybayan ng publiko ang kanilang serye. Well, let’s hope na sana sa presscon ng kanilang show ay umamin na nga ang dalawang ito. Let’s wait and see…

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING