KC Concepcion at Paulo Avelino, mag-dyowa na?

ADVERTISING

KC  Concepcion at Paulo Avelino, mag-dyowa na?

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoNAWINDANG KAMI nang itsika sa aming mag-dyowa na raw sina KC Concepcion at Paulo Avelino. Hindi kami makapaniwala dahil hindi ang tipo ng actor ang magustuhan ng dalaga ni Sharon Cuneta. At saka, may trumatic experience na ang dalaga sa pakikipag-relasyonsa kapwa niya artista. Sobra itong nasaktan nang maghiwalay sila ni Piolo Pascual.

Sabi nga ni KC, ayaw niyang magsalita ng tapos baka taga-showbiz uli ang maging boyfriend niya. As much as possible, kung puwede raw iwasan, ayaw na talaga ni KC na pumatol sa taga-showbiz. Marami ang nagtangka pero bigo silang mapasagot ang actress/singer. Suwerte ni Paulo kung totoo ngang girlfriend na niya ngayon si KC.

Nang huli namin nakausap si KC, friends lang talaga ang turingan nila ni Paulo. Pawang papuri nga ang madalas sabihin nito tungkol sa binatang ama. Nag-open-up nga raw ang actor about his personal life na ikinatuwa naman ni KC. Wala naman siyang sinabi na never na magiging sila. Well, sobra sigurong naging close sa isa’t isa sina KC at Paulo at nauwi sa serious relationship ang kanilang friendship.

Well, alamin namin straight from KC or Paulo kung totoo nga itong tsika about them. Sila lamang ang puwedeng magpaliwanag kung hanggang saan na ‘yung friendship mayroon silang dalawa. Abangan na lang natin ang kasagutan…

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING