KC Concepcion at Paulo Avelino, ‘di pa tapos

ADVERTISING

KC Concepcion at Paulo Avelino, ‘di pa tapos

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoHINDI PA rin natutuldukan ang pinag-uusapang ugnayan nina KC Concepcion at Paulo Avelino. Kamakailan lang ay isang larawan nila ang kumalat sa social media. The photo shows them with a fan inside a coffee shop in Baguio City na hometown ni Paulo. Hindi man nag-post si KC ng kanyang larawan kasama ang aktor ay puno naman ng mga pictures ng ilang scenery sa Baguio ang kanyang Instagram account.

Dahil sa larawang naging viral sa social media kaya lumutang ang espekulasyon na maaaring nagpunta roon si KC to meet Paulo’s family.

KC is once again busy with showbiz projects after being away from the country for five months. Eksklusibo siyang na-interview ng The Buzz matapos ang kanyang meeting para sa isang upcoming project with ABS-CBN.

“I am proud to say that yes, malapit n’yo na akong makita rito sa ABS-CBN at meron tayong future show na tinatrabaho ngayon,” KC said.

ADVERTISING

The Buzz asked kung may iba pa bang dahilan si KC sa kanyang pananatili sa bansa.

“For now kasi work ang priority ko. Work hard, play hard,” ang matipid niyang sagot.

Paano na ang kanyang love life? “Kasi excited ako sa bago kong show. Parang kailangan huminahon muna siya at magpo-focus muna ako sa show na gagawin ko.”

Weeks ago, Paulo talked about the real score between him and KC. “Ang masasabi ko siguro, hindi pa talaga nagte-take-off. But it’s not over!”

Pero nang tanungin naman si KC tungkol sa lalaking diumano’y malapit sa kanyang puso ngayon ay nakangiti nitong sinabi na, “Si Paulo agad?”

KC recently signed a two-year contract with ABS-CBN. Kasama sa kanyang contract ay ang pagiging bahagi ng teleseryeng Ikaw Lamang. Nang tanungin siya ng mga press tungkol sa ilang isyu ay nilinaw niya ang tungkol sa litrato nila ni Paulo sa Baguio.

“May times din na gusto ko lang maglakad, maramdaman ko lang na normal ako. Kumbaga hindi ako natatakot na maglakad sa streets of Manila. Napag-usapan lang namin one time. So nagplano siya na parampahin ako sa Session Road pero day trip iyon. Kinabahan ako actually kasi first time ko iyon na walang maraming kasama.”

Kung anuman ang namamagitan ngayon sa kanilang dalawa ay tanging sila lamang ang makakasagot. Let’s just wait and see kung saan hahantong ang ugnayan nina KC at Paulo.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING