KC Concepcion at Paulo Avelino, bestfriends ang label sa relasyon

KC Concepcion at Paulo Avelino, bestfriends ang label sa relasyon

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoBESTFRIENDS KUNG i-label nina Paulo Avelino at KC Concepcion ang magandang pagtitinginan nila sa ngayon. At consistent rin sila sa pagsasabing gusto muna nilang i-enjoy ‘yong gano’ng estado ng kanilang relasyon.

Masaya nga raw si Paulo sa magandang feedback kaugnay ng pagsasama nila ni KC s sa Exhange Gift na nagsimula nang umere sa ABS-CBN last Monday, January 5. Unang silang nagkatambal sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya four years ago.

‘Yong connection nila  ni KC sa isa’t isa, tila mas lumalalim na nga. Sa pagkakaroon ba kaya ng serysosong relasyon ito papunta?

“Hindi naman natin alam kung ano ang mangyayari sa future natin. So. nagpu-focus muna kami kung ano ang meron ngayon. Kung ano ang mga blessings na dumarating like itong project na ito. For now, ini-enjoy namin ‘yong sa ngayon. Hindi pa namin masyadong iniisip ‘yong mangyayari sa future. Kumbaga we just wanna enjoy what we have now. And we’re just very blessed now na parang… happy lang muna.”

May mga bago ba siyang na-discover tungkol kay KC sa panahon na nagti-taping sila ng Exchange Gift?

“Minsan may way ng pagsalita si KC na hindi niya siguro napapansin pero parang siguro ‘yong lambing niya ng pagsalita, parang minsan kaboses siya ni Rufa Mae Quinto! Hahaha! Kaya nakakatawa minsan. And isa pa sigurong napansin ko kay KC, kasi kung titingnan mo siya parang maarte. Pero hindi. She’s very professional. Walang arte. At saka may mga instances kasi na kapag magkasama kami, parang ang saya lang. Sobra na parang nakakalimutan mo lahat. Parang wala nang bukas. Parang puro tawanan lang na… masaya lang.”

Ganyan?

Rubbing Elbows
by Ruben Marasigan