KC Concepcion, naudlot ang pagpapamalas ng galing sa pag-arte

ADVERTISING

KC Concepcion, naudlot ang pagpapamalas ng galing sa pag-arte

KC Concepcion, naudlot ang pagpapamalas ng galing sa pag-arteKUNG KAILAN ko nagugustuhan si KC Concepcion sa role niya sa Huwag Ka Lang Mawawala bilang kontrabida ni Judy Ann Santos, saka naman matatapos ang show na last day na ngayong Biyernes.

Kung hindi ako nagkakamali, naka-tatlong movies na si KC, pero hindi kami naaliw sa acting niya. Pambalanse lang siya sa unang dalawang movies niya with Richard Gutierrez na waley rin tulad niya, na ang layo sa ina niyang si Megastar Sharon Cuneta na isang tunay na aktres.

Sa third movie niya with Sam Milby, as expected, waley rin. They were just nice to look at sa wide screen. Pero si Sam, gumagaling na rin sa pag-arte tulad niya sa teleserye nila ni Juday who played the role of Eros.

But with KC’s performance sa HKLM na magtatapos na, sayang  na kung saan may acting performance na ang dalaga na pinamamalas, doon pa matatapos ang ang teleserye nila.

ADVERTISING

Sa totoo lang, we learn to love KC’s acting unlike before na she was just one of those stars of Kapamilya Network.

Maging siya rin, kung kailan nahu-hook at naiimpluwensiyahan ng Ate Juday niya sa galing sa pag-arte, du’n naman mauudlot ang tripping niya.

Hopefully, sa pagtatapos ng HKLM we will see KC often tulad sa MMK or another teleserye kung saan puwede niyang ipamalas muli ang kanyang galing.

KC Concepcion, naudlot ang pagpapamalas ng galing sa pag-arteKung sinasabing because of the pain sa buhay ng mga artista at pinagdaraanan ay gumagaling sila sa pag-arte, with KC’s case I think it’s just the right time na lumabas ang galing niya na “mana” siyempre sa ina niyang si Megastar.

Pero may pangako ang Kapamilya Network, sa panguguna ni Deo Endrinal na may kasunod na kaagad na teleserye si KC sa mga tulad namin na nabitin sa kanya.

 

Sex video nina Chito Miranda at Neri Naig, ‘di dapat patulan ng NBI

 

HALOS DALAWANG linggong nagkulong sa kuwarto si Neri Naig nang lumabas ang sex video nila ng BF na si Chito Miranda sa publiko. Nag-emote sa nakapanood na libu-libong netizen ng kanilang “hot na pagniniig”.

‘Di ko alam kung ano ang ginawa ni Neri sa room niya matapos mailabas sa internet ang kanilang  sex tripping. “Baka nireview ang kanyang mga eksena,” komentaryo ng isang gago.

Siguro, aral na rin ito sa mga celebrities natin na huwag mag-take ng risk na magpa-video (lalo na ang mga kababaihan) habang nakikipag-tsugihan sa kanilang partner (boyfriend man or whatever) para iwas iskandalo kung sakali.

Pero hindi yata ako solve sa paglapit ni Chito sa NBI para humingi ng tulong para alamin kung sino ang may kagagawan ng pagkalat ng sex video nila.

Ang NBI isang sangay ng Department of Justice na ang buwis ng mga Pinoy ang nagpapasuweldo.

Sa dami ng mga kaso na dapat pagtuunan ng pansin ng NBI na mas mahalaga; ang kaso nina Chito at Neri ay kakain sa oras nila at dagdag-gastos sa isyung sila lang naman ang may kagagawan at makikinabang.

Kung ako sa NBI or DOJ, mag-charge sila kay Chito at Neri sa panahon na igugugol ng may mga kapangyarihan gayong personal naman na kapabayaan nila ito kung bakit nangyari ang hindi nila ini-expect na kumalat sa internet.

I suggest, ang NBI ay mag-focus sa paghahanap kay Napoles na dahil sa pork barrel scam ay pagsasakripisyon ang sambayanang Pinoy at lalong naghihirap.

Fair naman ako siguro?!

 

PAKI: TONIGHT ay ang birthday concert ng kasama sa panulat na si Alex Datu na mangyayari sa Cowboy Grill Quezon Ave.

Kabilang sa guest ng show niya ang dating That’s Entertainment member na si Tyrone Oneza now based in Barcelona Spain kasama si Martina Ona who sings well na sa Spain na ipinanganak from both Pinoy parents.

Birit Sensation ng Barcelona si Martina who can belt songs of Celine Dione or Mariah Carey.

Hopefully, wala na sanang ulan mamaya para happy si Alex at ang mga guest performers niya. Happy Birthday, Alex D.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING