KC Concepcion, naudlot ang Hollywood dream

ADVERTISING

KC Concepcion, naudlot ang Hollywood dream

KC-ConcepcionDAPAT PALA ay sa Hollywood muna mananatili si KC Concepcion kung hindi dumating ang offer sa kanya ng ABS-CBN’s Dreamscape Entertainment na mapabilang sa Ikaw Lamang (Ikalawang Yugto) where she will play Natalia (ang anak nina Jake Cuenca at Kim Chiu) sa unang libro.

ADVERTISING

Plan kasi ni KC noon na magpakadalubhasa sa acting na napag-alaman namin na nag-aral pala ito ng acting sa New York at nagtangka na kung papalarin ay makapagtrabaho sa Hollywood kung nakahanap siya ng agent na magre-represent sa kanya.

Kaso, she has to stay for a year para makapagsimula ng kanyang career sa Hollywood at hindi pu-pwede na pasulput-sulpot lang. Kaya nang dumating ang offer ng Dreamscape at andito naman si Paulo Avelino, ang lovey-dovey ng aktres, tipong she made the right decision na bumalik na lang ng ‘Pinas.

Sa bagong cast ng Ikaw Lamang, angkop na angkop kay KC ang role na bratty na sa simula pala ay maka-ama na tila siya ang magiging kontrabida sa pagmamahalan nina Gabriel (played by Coco sa Ikalawang Yugtong) at Andrea (played by Kim). Kung sa bagay, like ko si KC sa kanyang mala-maldita na peg na bagay sa kanya.

ADVERTISING

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING