KC Concepcion, nasa ospital pa rin dahil sa dengue

ADVERTISING

KC Concepcion, nasa ospital pa rin dahil sa dengue

KC-ConcepionNAGKA-DENGUE PALA si KC Concepcion, ‘no? Kita sa picture na lumabas sa Instagram account niya na nasa hospital bed siya na dinalaw siya ng ilang kaibigan.
Me sakit na nga y’ung tao, ang tanong pa ng mga fans, “Dumalaw na po ba si Paulo Avelino?”

 

NAPANOOD NA namin ang Annabelle na ilambeses kaming ginulay ng movie na ito, pero hindi naman para mapanaginipan pa namin, hahaha! Anyway, buti nga kamo at nauna nang naipalabas ang Maria Leonora Teresa ni Direk Wenn V. Deramas, kaya wala ring nambintang ke Direk na kinopya lang niya ang manikang nakakatakot sa Annabelle.
Pero move on na tayo, dahil ang latest movie naman ni Direk ay ang Moron 5.2 under Viva Films na malapit na ring ipalabas.
Babala lang daw sa mga makakapanood nito na puro kabobohan at katangahan nina Billy Crawford, Luis Manzano, Matteo Guidicelli, Marvin Agustin at DJ Durano ang inyong mapapanood.
Pero tatalino raw ang mga manonood dito, lalo na kung hindi nila gagayahin ang kabobohan ng cast sa pelikula.

Oh My G!
by Ogie Diaz

ADVERTISING
ADVERTISING