KC Concepcion, nasa loob ang kulo!

ADVERTISING

KC Concepcion, nasa loob ang kulo!

KC Concepcion, nasa loob ang kulo!

OLA CHIKKA now na! Oh, no… oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly! Bonggang-bonggang chikkahan na naman ng mga kaeksena-hang chikka ng yours truly at walang katakut-takot na chikka lalung-lalo na kapag Biyernes, bonggang chikka ang ipasasabog ko sa inyo.

It’s lovelier for the second time around para kina Kris Aquino at Robin Padilla. May nakarating ka-sing chikka na kahit hindi pa pinapa-ngalanan ni Kris ang makakasama niya sa isang teleseryeng kasama si Anne Curtis, marami ang humuhula na si Robin Padilla ito. Siya lang kasi ang natatanging action star sa bakuran ng ABS-CBN.

Ito kasi ang nakarating na chikka sa akin, na isa nga raw magaling na action star ang makakasama ni Kris. At take note, hindi bagets, kaya out na si Coco Martin. Ano kaya ang masasabi ni Mariel Rodriguez sa chikkang ito?

ADVERTISING

Kung matatandaan n’yo, nagtanan dati sina Kris at Robin, mga 3 days sa isang lugar sa Nueva Ecija, na talagang isinauli ni Robin sa takot sa dating Presidente Cory. Naku, ‘te… at alam din naman natin na hindi boto ang mga kapatid ni Kris kay Robin noon.

Naku, tama na nga at baka hindi pa matuloy ang mga eksenahan nila kung sakali. Lalo na kapag nagwala itong si Mariel. Pero ang masasabi ko lang… what Kris wants, Kris gets!

 

ANOTHER CHIKKA na naman ang eksena ngayon ni KC Concepcion, ang bagong sexy star? Pagkatapos magpaputol ng buhok, nagpakita na ng puwet!

Hindi na ako nagulat sa picture na iyon ni KC sa fashion magazine na Rogue, kasi nga, kung matatandaan n’yo rito sa kolum ko nu’ng mga nakaraan at hindi pa niya BF si Piolo Pascual, kung sinu-sino na ang mga naging kalaplapan ni KC nu’ng siya ay nasa ibang bansa pa. Kaya hindi ako naniniwala sa mga comment sa fb na resulta raw ito ng paghihiwalay nila ni Piolo.

Matagal nang liberated si KC. Mas maniniwala pa ako roon sa mga nagsasabing ‘yung pugot na ulo sa sexy picture niya ay si Piolo at ang hawak niyang ahas ay si Mark Bautista, hahaha!

Sa mga hindi nakaka-kilala kay KC, nalaswaan sila sa suot niya which showed pa part of her butt. Hindi raw aesthetic ang dating, kasi nga dati siyang pa-tweetums. Nasa loob kasi ang kulo ni KC.

In fairness naman sa kanyang mother na si Sharon Cuneta, sumikat nang husto pero hindi siya nakitaan ng ganyang suot, maliban sa Darna. Pero hindi ganyan ka-daring ang dating na parang nang-aakit. Kaya maraming nagsususpetsa na resulta ‘yan ng pag-aaral niya sa France. ‘Di ba, liberated ang mga tao rito, maging babae man o lalaki, wala silang pakialam sa mga nakabilad na katawan sa publiko.

KC Concepcion, nasa loob ang kulo!

Ano kaya ang gustong patunayan ni KC. In fairness, wala akong masabi. Bagay naman kasi sa kanya ang maging sexy star, ‘di ba? Wala talaga akong masabi, ‘yun na!

 

BLIND ITEM: Maloloka ka talaga sa Earth, lalo na kung mahulaan n’yo ang pitik-bulag ko. Sobrang maldita talaga nitong bagets na ito na talaga namang maloloka ka sa Earth. Kahit driver niya, winawarla niya at ayaw magpaawat sa pagiging maldita niya.

Naku, ‘te… hindi pa rin pala nagbabago. Kung sa bagay, nu’ng katorse ka pa lang, maldita ka na! Pak!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING