KC Concepcion, nahanap na ang true love sa French suitor?!

ADVERTISING

KC Concepcion, nahanap na ang true love sa French suitor?!

KC Concepcion, nahanap na ang true love sa French suitor?!SI PIERRE Emmanuel Plassart na kaya ang taong who would make KC Concepcion smile for the rest of her life? Siya na kaya ang katuparan sa wish ni KC na makahanap talaga ng isang true love?

I’m happy for KC dahil mukhang unti-unti nang natutupad ang kanyang wish. Nainterview siya kamakailan sa The Buzz at kitang-kita sa kanyang mga mata ang kasiyahan. She looks radiant kaya hindi maiiwasan na siya ay tanungin tungkol sa kanyang lovelife. Sabi nga niya, “Kumikinang-kinang!”

Sino nga ba si Pierre? He is a French photographer, filmmaker and writer. Pierre is currently very active in film festivals. Nagkakilala sina KC at Pierre sa isang international event.

The two are inseparable these days. A few weeks ago, lumutang ang mga photos ni KC sa Boracay together with a foreign guy. That same guy was also spotted in X Factor Philippines where KC is a host at siya rin daw ang kasama ni KC when she attended a birthday party recently. At siya nga si Pierre. Nagkakataon lang ba ito o talagang may mas malalim pang dahilan ang kanilang madalas na pagkikita?

ADVERTISING

Espesyal ba si Pierre sa kanyang buhay ngayon? “Espesyal naman iyong mga taong itinuturing akong espesyal. I appreciate that naman. Malaking bagay sa akin na nagpunta siya rito sa bansa natin para bisitahin [at] puntahan ako kung saan ako kahit na ang layu-layo ng pinanggalingan niya,” ang sagot ni KC.

Kuwento pa niya sa The Buzz ay binigyan daw siya ni Pierre ng star when they were in Boracay. “We were looking at the sky. Sabi niya first time daw niyang makita iyong mga star sa sky sa beach dito sa Philippines. Sabi niya, ‘one of those is yours.’ Sabi ko, ‘What?’ Hindi ko maintindihan. Parang binili niya iyong star for me. So may isang star diyan na nakapangalan sa akin, may certificate iyon, constellation kung saan naka-locate iyong star. First time. Never pa akong nabigyan ng star.” Kaya naman pala may pagbabasehan kung bakit kumikinang-kinang ngayon ang lovelife ni KC.

KC Concepcion, nahanap na ang true love sa French suitor?!

Kung ganito ba naman ang manliligaw mo, sino ba naman ang hindi mahuhulog ang loob sa kanya? Tiyak kong marami mga kababaihan ngayon ang nagwi-wish na sana ay makatanggap rin sila ng star galing sa kanilang minamahal.

Si Pierre na kaya ang makakatuluyan ni KC balang araw? “Let’s see. Hindi naman ako nagmamadali. Ito iyong time na gusto kong magpaka-busy sa work kasi marami pa akong gustong gawin. Marami pa akong gustong i-achieve sa trabaho.”

Sa ngayon, KC can take her time and she has all the time to enjoy and love life.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING