KC Concepcion, nagpapaka-busy sa trabaho matapos ang ang pinagdaanang kalungkutan

KC Concepcion, nagpapaka-busy sa trabaho matapos ang ang pinagdaanang kalungkutan

KC-ConcepcionPAGKATAPOS NG mga pinagdaanang kalungkutan ni KC Concepcion, gusto na ulit niyang maging abala ang kanyang sarili sa trabahong nagdaratingan sa kanya sa showbiz. Kasi nga, napakahirap para sa kanya ‘yung pagyao ng kanyang Mamita na si Mommy Elaine Cuneta. Nang magkaroon na kasi ng pamilya si Sharon Cuneta at ipanganak na nga si KC, talagang lumaki siya’t nagdalaga na sobrang kinagiliwan at ginawang libangan ng yumaong lola.

Kahit si Sharon ay talagang tanggap sa kanyang sarili, na napansin niya ang kakaibang closeness nina Mommy Elaine at KC kaya tuwang-tuwa siya, na nu’ng mommy na rin siya ay naging happy pa rin si Mommy Elaine sa kanyang pagtanda habang nagkakaintindihan na sila ni KC sa maraming bagay. Nagdalaga talaga ang panganay ni Gabby Concepcion, na bestfriend ang turing sa kanyang lola, dahil sila nga ang laging magkatsika.

Sa totoo lang, marami ring mga lihim at plano si KC tungkol sa kanyang buhay na ang yumaong Mamita niya ang napagkukuwentuhan, ‘tulad ng kanyang pagdadalawang-isip na pumasok kaagad noon sa bagong pakikipagrelasyon pagkatapos maunsiyami ang relasyon nila ni Piolo Pascual. Ngayong wala na ang kanyang Mamita, hahanap-hanapin ng magandang aktres ang mga pagkakataong lahat-lahat niyang saya at problema tungkol sa kanyang lovelife ay sa lola lang niyang naikukuwento.

ChorBA!
by Melchor Bautista