KC Concepcion, nagbukas ng online shop para makatulong sa UN World Food Programme

ADVERTISING

KC Concepcion, nagbukas ng online shop para makatulong sa UN World Food Programme

KC Concepcion
KC Concepcion

Birthday ni KC Concepcion kahapon who turned 31 years old.

At sa karaawan niya yesterday, aminado si KC Concepcion na zero pa rin ang lovelife niya, pero ang pagiging zero ay hindi ibig sabihin na hindi siya masaya.

Happy ang dalaga ni Megastar Sharon Cuneta sa mga gawain niya na noon pa man ay abala na sa mga advocacy work niya para sa nakararami.

Sa katunayan, hindi man boyfriend or partner ang nagpapasaya sa kanya ngayon, ang ini-launch noong eve ng kaarawan niya na kcscloset.com (online shop) ang siyang prioridad ngayon ng dalaga.

ADVERTISING

Birthday wish ng dalaga na maging successful ang project niyang ito. Ang success ng project niya ay malaki ang maitutulong sa United Nations World Food Programme (WFP).

Pahayag niya sa press na dumalo sa launching ng online shop na magbebenta ng mga pre-loved goods (bags, show, clothes and accessories, etc,) niya na kahit medyo may kamahalan ang mga items na ibebenta nila, may magandang kapupuntahan ang kikitain ng online shop.

Aminado si KC na sa kanyang kaarawan, ang lovelife status niya ay “not committed” pa rin.

Kung sakaling dumating man ang panahon na nandiyan na ang lalaking magmamahal sa kanya, biro nga niya, sana mahanap na siya ng lalaking magmamahal nang tunay sa kanya.

Direstsahang pahayag ni KC, “Kapag talagang super special na siya, saka ko na lang ikukuwento. Kasi ang dami ko nang pinagdaanan, ‘di ba, sa lovelife ko? You know why? Kasi feeling ko ang dami nang nangyayari sa akin. It’s not just my lovelife,” pahayag niya.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING