KC Concepcion, ‘Mr. Right’ na nga ba ang Azkals player na si Aly Borromeo?

ADVERTISING

KC Concepcion, ‘Mr. Right’ na nga ba ang Azkals player na si Aly Borromeo?

KC Concepcion and Aly Borromeo
KC Concepcion and Aly Borromeo

Bongga naman ni KC Concepcion na openly ay tanggap na ni Megastar Sharon Cuneta ang manliligaw (or boyfriend na?) ng dalaga, ang guwapong Azkals player na si Aly Borromeo.

Straight si Aly. Macho, brusko, at walang bahid ng pagkukunwari, sabi ng mga intrigero’t intrigera sa showbiz na nakakita sa binata up close. Tahimik lang daw ito. Pangiti-ngiti, pero ang lakas ng sex appeal.

Sa isang event kamakailan ng Megastar, kasama ni KC Concepcion si Aly at puring-puri siya ng kanyang “future mother-in-law” ‘pag nagkataon at nagkatuluyan.

Guwapo ni Aly. Ang kaguwapuhan na ‘yun ay ang tipo ng pagiging good-looking na hinahanap ng dalaga na si KC.

ADVERTISING

I hope na sana, ito ang Mr. Right na hinahanap ni KC, after her two failed showbiz relationships (Piolo Pascual at Paulo Avelino) na hindi counted ang singer na si Rico Blanco noong hindi pa showbiz ang dalaga ng Megastar.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING