KC Concepcion, matiyang binantayan at inalaagan ni Paulo Avelino sa ospital

ADVERTISING

KC Concepcion, matiyang binantayan at inalaagan ni Paulo Avelino sa ospital

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoMAHAL NI KC Concepcion ang kanyang trabaho. Mapapabilib ka sa pagiging propesyonal niya. Kahit kagagaling lang sa ospital (last Thursday) dahil nadapuan ng dengue ang aktres, sugod kaagad siya sa set ng Ikaw Lamang na kanilang teleserye nina Coco Martin at Kim Chiu sa may bandang Mandaluyong the following day (Friday) na magtatapos na sa darating na Biyernes (October 24).

ADVERTISING

Bilib si Direk Malu Sevilla dahil walang angal ang aktres. Walang arte, walang drama, walang kaeklatan na siyang gusto ng mga director at production staff dahil hindi nagbibigay sa kanila ng problema ang ganitong mga artista.

Unlike sa mga artista na ang daming kadramahan, si KC, puri ng mga direktor niya, lalo na ang mga maliliit na mga manggagawa sa kanilang producksyon dahil walang “pa-star” complex ang anak ng Megastar na si Sharon Cuneta.

Cowboy nga Raw si KC sa set. Walang angal kapag sa mga alanganing sitwasyon ay kung minsan, hindi komportable para sa aktres. Pero natuto at aral sa ina na si Mega, natutunan na rin ni KC ang mga ganitong sitwasyon na kailangan niyang maka-adapt.

ADVERTISING

One important thing na natutunan ni KC sa kanyang ina ay ang pagiging mapagkumbaba, marunong makisama (lalo na sa mga maliliit na mga trabahador sa showbiz) at pagiging propesyonal towards her work.

Sa pagtatapos ng teleserye nila nina Coco at Kim, naging mag-friends silang tatlo. Sa katunayan, sa last Friday taping nila, almost two in the morning na, may posting pa si KC with Kim sa kanyang Instagram account na isa sa mga celebrity accounts sa social media na sinusundan namin.

I’m sure, si KC mami-miss niya nang husto ang camaraderie nila nina Coco at Kim sa pagtatapos ng teleserye na may four taping days pa bago dumating ang last episode na mag-e-air sa darating na Biyernes.

Pero happy kami na happy si KC dahil ang hindi alam ng marami, kahit walang confirmation ang special friendship nila ni Paulo Avelino, inamin ng dalaga na matiyaga na nagbantay at nag-alaga sa kanya ang aktor nang ma-ospital siya dahil sa dengue.

Kung sa bagay, ang mahalaga, happy siya. Hindi naman nagmamadali ang mga miron na may masabi siyang “sila” na ni Paulo. Para sa amin, ‘yun na ‘yun. Kaya sa mga fans nina KC at Pau, wait na lang sa official confirmation ng dalaga na sila na nga ni Paulo.

‘Di nga ba’t action speaks louder than words?

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING