KC Concepcion, masayang-masaya kay Paulo Avelino

KC Concepcion, masayang-masaya kay Paulo Avelino

KC-Concepcion-Paulo-AvelinoMABABASA MO sa mga ngiti at sinasabi ng kanyang mata na masaya siya. Yes, happy kami para kay KC Concepcion at tila natagpuan na rin niya sa wakas ang tunay na kasiyahan na hatid ng kanyang puso.

Hindi man aminado ang dalaga na very much happy siya sa “friendship” nila ni Paulo Avelino, ang basa ng marami, sila na ngang dalawa kahit ayaw aminin ng aktres.

Sa totoo lang, tama ‘yong sabi ng dalaga ni Megastar Sharon Cuneta na ang “friendship” nila ni Pau ay walang labelling.

Maigi na rin kasi ito na both enjoy each other’s company. Pareho sila masaya sa isa’t isa kahit sabihin man ng mga miron na parang suntok sa buwan at matagal na nag-aabang ang marami sa kahihinatnan ng “relasyon” ng dalawa.

Kamakailan, sa press launch ng episode nina KC at Paulo na “Exchange Gift” para sa Give Love on Christmas (GLOC) mini-teleserye na produced ng Dreamscape Entertainment para sa Kapamiya Network, akala ko nga ay may aaminin na ang dalawa. Hinala ng marami, dahil Kapaskuhan at timing lang, panahon na para umamin na ang dalawa na sila na nga, na matagal nang hinihintay ng marami ang confirmation.

Pero si KC, ayaw bumitaw. Ayaw pangunahan ang kanilang magandang samahan ni Paulo which for us is ok na rin dahil kung idedeklara man nilang dalawa na sila na, sa dami ng mga naiinggit at hindi masaya sa “romance” ng dalawa baka maudlot lang or mauwi sa wala.

Sa katunayan, wala kaming update kung natuloy ang Christmas Eve or Christmas Day date nilang dalawa.

Sa harap ng media, nag-imbita si Paulo pero dahil nalagay on the spot si KC, hindi niya agad masagot ang aktor.

Kung sa bagay, during the presscon, ang daming kinilig. Mas open na ang dalawa, lalo na si KC na ang gaganda ng mga sagot niya sa tanong sa press sa kanya lalo na sa usapin tungkol sa pag-ibig.

Si Paulo na mahiyain pa rin at medyo tense ay mas relax na rin nang konti na ang tensyon ay idinadaan na lang sa pangiti-ngiti. Pero para sa isang mahiyain na less talk na si Paulo, bilib kami na for the first time, inimbitahan niya ang dalaga for a date noong nakaraang Pasko.

As of presstime, wala pa kaming update kung anong kaganapan sa “date” na hinihingi ni Pau kay KC.

Sa bagong mini-teleserye ng dalawa na magsisimula na ngayong araw bilang pamalit sa episode nina Maja Salvador at Gerald Anderson (na super in love din sa isa’t isa), sabi ni KC, “It’s like watching a reality TV show.” Na ang ibig sabihin, ang ngiti, halakhak at ka-sweetan nila ni Paulo ay parang totoong-totoo.

Kami man, kinilig sa trailer at during the press conference sa dalawa.

Reyted K
By RK VillaCorta